Chapter 37

161K 4.3K 383
                                    

37

I should know the solution to the nagging pain in my heart.

Those words rendered me almost sleepless the whole night.

Pinag isipan ko nang matagal ang lahat ng nangyari sa amin. Kung bakit kami nakarating sa ganitong kagulong sitwasyon. Inisip ko ang lahat at pinilit kong hindi maging bias at pinilit na hindi masaktan. And it all boils down to one thing. Parehas kaming matigas ang ulo at ma pride. Parehas kaming may kasalanan. Insensitive siya, insecure ako. And somehow I know that we both need to meet in between and settle our differences kung gusto naming maayos ang relasyon namin.

Pero sinabi niyang hindi na niya ako susuyuin at maaayos lang ang relasyon namin kung sasabihin kong mahal ko siya. Before it doesn't matter whether I say it or not. Napapakita ko naman and I thought that it was enough.

Napangiwi ako sa naisip and imagine myself saying those words at him or to anyone but I cannot imagine myself doing so. Kahit kay Emer hindi ako nag I love You. Kahit sa first boyfriend ko. I just cannot bring myself to say those words.

Pero paano kami magkakaayos without me telling him what he wants to hear?

Landiin ko na lang kaya?

Biglang pasok ng idea sa isip ko.

The idea sound preposterous but it might work. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil mas gugustuhin ko pang manlandi kaysa mag sabi tungkol sa nararamdaman ko but all of us has it own comfort zone and saying those words is beyond my comfort zone. Kaya bahala na. Landiin na kung landiin. Kung nagawa ko siyang i-stalk dati, magagawa ko naman siguro siyang landiin ngayon.

Kaya naman lumabas ako ng cottage at buo na ang loob ko na landiin na lang si Jayson. Naglakad lakad ako sa may seashore kasi hindi ko siya nakita sa may restaurant. At habang naglalakad, pinapraktis ko pa ang mga sasabihin at gagawin ko. Kinakabahan din ako sa magiging reaction niya. Paano kung instead na malandi ko siya, paano kung pagtatawanan na lang niya ako?

Pero agad kong inalis ang doubt sa dibdib ko. No guts, no glory. Kung gusto kong magbati kami at hindi na ako masaktan, kailangan kong lakasan ang loob ko. I am an empowered woman. I can do anything that I want.

Pero nawala ang lahat ng lakas ng loob ko nung makita ko si Jayson na may kasamang babae. The girl is wearing a pair of black string bikini na halos wala ng itinago sa katawan and she is handing Jayson a lotion habang nakahiga ang girl sa lounge chair.

Agad na kumulo ang ulo ko. Grabe ang stress ko sa pag iisip kung paano ko siya landiin tapos makikita ko lang siya na may ibang kalandian?

Parang biglang nagdilim ang paningin ko. Napuno ng selos ang puso ko kaya instead na lumapit sa dalawa, tumalikod ako at dumiretso sa cottage ko. Kinuha ko ang bag ko at naghalungkat sa mga gamit ko ng bikini.

Pinili ko ang pinakaseksi sa lahat, sinuot ito at lumabas ng cottage.

Sinapian ata ako ng espiritu ng kalandian nung makita ko ang babae at si Jayson. Nawala ang conservative na doktora.

Kaya naman habang naglalakad ako papunta sa dagat hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin ng mga lalaki and their gasp of admiration. Dumaan pa talaga ako sa harap ng lounge chair na inuupuan ni Jayson katabi ng lounge chair kung saan naman nakadapa ang babae na kasama niya.

Tiningnan ko siya na nakatingin sa akin at hindi admiration ang nakikita ko kanya. Nakakunot ang noo niya unlike the other guys.

Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa bakanteng lounge chair, three chairs away from them at doon nilagay ang dala kong towel. Nagsisi tuloy ako n asana, hindi muna ako naglagay ng lotion. Pero ayaw ko naman lumabas ng cottage na hindi nakalotion. Ayaw kong masunog.

Pagkalagay ko ng gamit ko, dumiretso na ako sa dagat at naligo. Madami ang lumalapit sa akin. Madami ang nakikipag usap pero para akong baliw na tingin ng tingin sa pwesto nila ni Jayson tapos magngingitngit kapag nakita siya na nakaupo pa din sa lounge chair na katabi ng lounge chair nung babae. Kaya ang kinalabasan, hidni ako nag enjoy habang naliligo ako.

Umahon na lang ako at naki usyuso sa dalawang bata na gumagawa ng sand castle. Naaliw naman ako kahit papaano kaya tumulong ako sa kanila. Maya maya pa, I found myself being buried in the sand at ulo ko na lang ang nakikita.

It was my idea na magpabaon sa buhangin and the two children oblige. In fact, nagpabaon din silang dalawa pagkatapos nilang kunin ang shade, towel at sombrero ko para hindi daw masunog ang mukha ko. And it was good. Kahit papaano, nakalimutan ko ang inis ko kay Jayson. Nag enjoy ako sa company ng dalawang bata.

The only problem is, nakatulog ako habang nakabaon sa buhangin and when I woke up, wala na ang dalawang bata na katabi ko. Yung trace na lang ng hinigaan nila ang natira, the sand castle and the lounge chair na nasa tabi ko.

Wait! Wait! What lounge chair?

And I focused my eyes on the lounge chair and I saw Jayson sleeping on it. Paanong...kanina andun siya sa malayo ah!

Nagtatakang napatingin ako sa kanya nung magdilat siya at tumingin sa akin. Binawi ko naman agad ang tingin ko sa kanya. Then I pushed myself to stand up pero hindi ako makatayo.

What the heck! I tried again pero ang bigat ng mga buhangin na nakadagan sa akin. Naalala ko na malalim pala ang hinigaan ko kasi ditto ako humiga kung saan kami kanina kumukuha ng sand tapos nilagyan ng dalawang bata ng madaming sand ang katawan ko tapos binuhusan ng tubig para daw magmukhang cement. And indeed I was like cemented on the seashore. And worst, I am now subjected to Jaysonsa's scrutinizing eyes.

Tumingin ako sa kanya at nakaupo na siya sa lounge chair habang nakatingin sa akin. His hair is blown away by the ocean wind.

I tried sitting up again pero ang bigat talaga. Pakiramdam ko namumula na ako dahil sa pagpipilit na makaahon. My God! Why did I subject myself to this kind of embarrassment? Sa sobrang inis ko kanina sa kanila hindi ko namalayan na mahihirapan na pala akong tumayo.

"Okay ka lang ba dyan?" Tanong niya sa akin.

"Don't talk to me and get lost! " Asik ko sa kanya. Frustrated at my situation and frustrated at what is happening to me.

Nakita ko siyang nagkibit balikat dahil sa sinabi ko tapos naglakad at umalis. What the heck! Iiwanan niya talaga ako? Pinigilan ko ang sarili kong tawagin siya at magpatulong.

At habang wala siya, nagtry ulit ako na ibangon ang katawan ko pero ang bigat bigat talaga. Nagmumura na ako ng dahil sa inis at naiiyak na rin. Paano ako ngayon makakatayo?

"Nakakauhaw ano?" Napatingin ako bigla sa kanya na nasa may ulohan ko na pala at may bitbit na isang baso ng shake. Pakiramdam ko nanayo ang lalamunan ko dahil na rin sa uhaw. AT talaga namang inaasar pa niya ako.

Umupo ulit siya sa lounge chair at uminom ng shake tapos tumingin sa akin. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang talaga siya habang sumisipsip ng inumin niya. Inggit na inggit at asar na asar ako.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ang wallow on my desperate situation. Nag iinit na ang sulok ng mga mata ko.

"Do you need my help?" Mahinang sabi niya. Hindi ako tumingin. Nagmatigas ako at tumingin sa kabilang side.

"Roselyn!" Napatingin naman ako bigla sa kanya dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. Nakakunot na ang noo niya.

"Is it so hard for you to say that you need my help?" Naiiritang sabi niya.

"Kung gusto mo talagang tumulong, hindi ko na kailangang humingi ng tulong."Sabin g napakatayog kong pride.

"Pambihira ka." At ibinaba ang baso niya sa lounge chair and knelt in front of me tapos sinimulang alisin ang mga buhangin na nakadagan sa akin. And while he is doing that nagsesermon siya na para bang isa akong bata na napakatigas ng ulo.

"Alam mo kung ano ang sitwasyon mo ngayon? This explains it all. Masyado ka ng nabaon ng malalim. You can't even get up but still you refused to ask for help. Nasa malapit lang naman ako. All you need to do is to say it."

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon