Chapter 44: Heart Attack

31.3K 598 40
                                    

 

“Good news. Nakahanap na kami ng donor para sa pasyente.”

“Talaga po?” Tanong ko sa doctor dahil parang ayaw pa rin mag sink sa utak ko ang sinabi niya. Tumango lang ang doctor kaya parang nakalutang ako sa mga ulap ng mga sandaling iyon.

“Kailan po sisimulan ang transplant?” Tanong ko.

“Bukas o sa susunod na araw sisimulan na naman ang surgery mula sa donor. The day after that pwede ng isagawa ang liver transplant sa recipient.”

Thank you Lord.

Sobrang bait ng Panginoon. Dininig niya ang dasal ko at hindi niya kami pinabayaan.

“Salamat po doc. Pwede ko po bang malaman ang pangalan ng donor para makapagpasalamat ako?”

“The donor wanted to be anonymous.” Simpleng sagot nito kaya tumango na lang ako.

“Pakisabi na lang po sa kanya na nagpapasalamat ako.”

Pagkatapos umalis ng doctor, tinawagan ko agad si Tita para sabihin sa kanya ang magandang balita. Nakailang tawag ako sa kanya pero hindi siya sumasagot.

Tulog pa kaya siya hanggang ngayon?

Napagdesisyunan kong mamaya na lang tawagan ulit si Tita dahil baka nagpapahinga pa siya. Ilang araw na rin siyang hindi nakakatulog ng maayos.

-HGHM-

Tahimik akong pumasok sa room ni Jed. Inakala ko kasi natutulog siya ngayon at nagpapahinga.

“Kanina ka pa ba gising?” Tanong ko sa pagkatapos ko siyang makita.

Ngumiti lang siya sa’kin saka siya nagsalita. “Kakagising ko lang.”

“Sila Tita?”

Umupo ako sa silya sa tabi ng kama niya saka ko pinatong ang mga kamay ko sa gilid ng kama.

“Pinauwi ko muna para makapagpahinga. Ilang araw na rin silang hindi nakakapaghinga mula nung umalis sila galing New York. “Masaya ka yata?”

“Halata ba? Hehehe. Hulaan mo.”

“Uhmm. Nanalo kang lotto? Hehe.”

“Hindi noh. Hindi naman ako tumataya dun kaaya di ako mananalo.”

“Uhmm… Ano pa ba? Nanalo kang house and lot?”

Ang isa pang kahanga-hangang katangian ni Jed ay ang pagiging mapagbiro niya kahit na hindi siya okay physically.

“Hindi rin. Sige na nga. Sasabihin ko na… May nahanap na kaming living donor para kay Uno.”

Ngumiti si Jed sa’kin pagkatapos niyang sabihin iyon. It was a genuine smile. Kitang-kita ko na masaya rin siya katulad ko.

“Talaga? Sino?”

“Hindi ko kilala eh. Ayaw niya magpakilala. Pero gusto ko talaga siyang makita ng personal para makapagpasalamat. Kahit na ibigay ko pa lahat ng meron ako, bahay, sasakyan pera. Ibibigay ko lahat ng hihingin niya.”

“Baka naman hindi pera ang kailangan niya kaya ayaw niyang magpakilala.” Sabi ni Jed.

Napa-isip ako saglit. Tama nga naman si Jed. Ayaw niya magpakilala dahil hindi naman niya kailangan ng pera.

“Sa tingin mo ano kaya ang dahilan niya kung bakit niya naisipang maging donor?”

Nag-isip muna si Jed saka siya sumagot.

HGHM2: Memories of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon