Chapter 16

241K 3.4K 129
                                    

Ilang oras din na nanatili ang Mommy at Daddy ni Mark Ethan sa unit niya. At sa panahon yun tamang ngiti lang ako at sang ayon sa kanila. Kahit ok yung parents niya sobrang nahihiya pa din ako. Nung inihatid sila ni Mark umuwi naman ako sa unit ko.

Iniisip ko yung itsura ng Daddy niya. Medyo kamukha siya ni Mark. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na ganun ang magiging itsura niya kung magkakaedad na. At sana ako pa din ang kasama niya sa mga panahon na yun. Kasi wala naman akong maisip na kasama kundi siya lang. Lalo pa ngayon na alam ko na kung ano ako sa kanya.

Hindi pa man ako nagtatagal sa unit ko ay andyan na agad si Mark. Nambubulabog. Nambubulabog ng tibok ng puso ko. Pagkabukas ko ng pinto ng unit ko ay agad niya akong niyakap at iginiya papasok sa loob.

"Kamusta ang Parents ko?"

"ang bait ng Mommy mo. Medyo nakakatakot ang Dad mo nung una. Pero ok naman sila"

"Good"

Magkatabi kami ngayon na nakaupo sa sofa. Hawak hawak niya ang kamay ko. Masuyong pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"Mark about sa sinabi mo sa kanila kanina? Seryoso yun?"

Nahihiya akong ungkatin yun. Yung dalawang salitang muntik muntikang magpatalon sa puso ko. Yung Girlfriend At Mahal.

"Alin don?"

Medyo masasaktan sana ako sa sinabi niya kaso pagtingin ko sa mukha niya nagpipigil lang ng ngiti. Yung anytime bigla bigla na lang siyang hahagalpak ng tawa. Gusto ko sana siyang kurutin sa inaakto niya kaso nahihiya ako. Wala pa naman kami sa ganun. Na parang normal couple.

"Ituloy mo kaya"

"Ang alin?"

Nakakunot kong tanong. Dinala niya yung kamay ko sa may bandang tagiliran niya.

"Yung plano mong pagkurot. Hindi ko pa nararanasan ang ganun. Yung parang naiinis na naglalambing na girlfriend."

Gustong gusto ko talaga siyang kurutin. Lalo na at siya na mismo ang naghain ng tagiliran niya sa akin. Kaso nung lumapat naman yung mga kamay ko dun. Mas natukso akong haplusin yun.

"Sabi ko kurot hindi haplos"

Nakangiting sabi niya Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. Nakakahiya. Pero kasi hindi ko mapigilan. Ilang beses ko ng nakita yun. At masasabi ko na yun ang isang parte ng katawan niya na perfect talaga. Yung bahaging yun na may kung anong babaybayin ka pababa. Napalayo ako ng konti sa kanya. Nakakahiya ang iniisip ko.

"Mas maganda ka talaga pag ganya na nagbablush ka. At natutuwa ako sa tuwing namumula ka ng ganyan. Kasi may epekto ako ng ganyan. sayo. Halika nga. Sige na pwede ng haplos"

Inilapit niya ako sa kanya. Yung kamay ko ipinasok niya sa loob ng T-Shirt niya. Hindi ko tuloy masalubong ang tingin niya. Hinaplos niya ang mukha ko.

"Naalala ko yung tanong mo, kung hanggang kailan tayo ganito? O kung kailan kita papakawalan? Sabi ko, kung kailan ko gusto." Ngumiti siya at inalis niya yung mga kamay ko sa parteng yun ng katawan niya. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay. "Kung kailan ko gusto ko. Kasi yun ang kontrolado ko. Ayaw kong sabihin na pag sawa ka na pwede mo na akong iwan. Kasi hindi ko kaya. Kaya selfish man ang dating ng sagot ko o parang kinukulong kita pero masisisi mo ba ako? Kung yun lang ang paraan para hindi ka makawala?"

"Mark Ethan.."

"Kung ano man ang sinabi ko aa harap ng parents ko. Totoo lahat yun. Hintayin mo lang akong direktang sabihin yun sayo. Yung tatlong salitang yun. Kasi nahihiya pa ako. At kailangan ko pang patunayan yun sayo"

"Nahihiya?"

Isang napakagwapong torpe nga siguro itong si Mark Ethan. Pero hindi ko din naman kakayanin kung sabihin niya yun. Parang kailangan lagyan ko muna ng bakal na harang yung puso ko. Baka kasi biglang tumalon pag sinabi na niya.

"Nahihiya ako. Kasi kung kailan nakuha ko na ang lahat sayo saka ko sasabihin na MAHAL KITA? Sinong basta basta maniniwala dun na seryoso ako na MAHAL nga kita? Na matapos lahat ng sakit na dinulot ko sayo basta na lang ako magsasabi ng I LOVE YOU?. Kaya hindi ko pa kayang sabihin."

"adik."

Yumakap na lang ako sa kanya. Kasi hindi ko talaga kayang ganyan siya. Hindi ko din kayang marinig yung I LOVE YOU niya. Ganun pala yun? Pag sobrang hinahangad mo ang isang bagay tapos andyan na sa harap mo parang ang hirap paniwalaan agad. Kasi baka pag bigla mong sinunggaban. Baka hindi pala totoo. Masasaktan ka lang. Kaya tama lang yun Mark Ethan. Mahiya ka na lang muna sa ngayon.

"saka hindi mo pa din naman sinasabi yun"

Bigla akong kumawala sa pagkakayakap nya. So kailangang mauna ako? Ganun?

"Ang alin ang sasabihin ko?"

"Alam mo na yun."

"Itatanong ko ba kung alam ko?"

Ako naman yung nagpipigil ng ngiti. Pero imposible naman na kurutin ako nito. Baka mapatunayan ko yung sinasabi ng Mommy niya na bading siya.Si Mark Ethan? Hindi ko talaga maimagine. Ang kulit ng Mommy niya para isipin yun. Hinila niya ulit ako palapit sa kanya. Mas mahigpit ang ginawa niyang pagyakap.

"Alam mo yun. Na ano.. Na sobrang gwapo ko"

Pagtingin ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti. Yung ngiting hindi ko nga pagdududahan na gwapo siya Yung ngiting sobrang nakakatunaw. Yung parang ang ganda ganda ko para ngitian niya ng ganyan.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Oo nga. Ang gwapo nga." Ibinaling ko sa kanan tas sa kaliwa. " Ang gwapo gwapo ka" Tas inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mabilis siyang kinintalan ng halik sa labi niya. Mabilis lang yun. Nakaw lang talaga. Yung tipong harap harapang pagnanakaw. "Sobrang gwapo talaga"

Ikinabig niya ulit ako palapit sa kanya at niyakap. Bakit ba ang hilig niyang mangyakap ngayon? Pero gusto ko naman yun. Yung pakiramdam na parang ayaw niya akong pakawalan. Pero parang hindi normal ang paghinga niya. Tas yung paghaplos niya sa may bandang braso ko bumaba sa parteng bewang ko.

"Sa dami ng mga halik na napagsaluhan natin. Pinakagusto ko talaga yung halik na ikaw ang naguumpisa. At dalawang beses mo palang ginagawa yun. At parehong dito pa sa unit mo. Iniisip ko tuloy kung dito lang sa unit mo ikaw may lakas ng loob na gawin yun?"

"Siguro"

Hinuli ko ang kamay niya na papasok na sana sa pababang ilalim ng blouse ko. Ngayon ko lang din naman gagawin to. Ang biruin siya. Na kunwari tumututol ako. Pero pinagsalikop niya lang din yun. Kapagdakay dinala sa labi niya para halikan.

"Parang gusto ko tuloy lumipat na dito para araw araw maranasan yung halik na yun"

"parang pwede"

"At bakit hindi pwede?"

"Mark Ethan.."

Medyo kinabahan ako sa biglang pagseryoso ng boses niya. Pero hindi pa din naman siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

"Pag sinabi ko na ba yung salitang yun. Pwede na akong lumipat?"

"Ang daya"

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Hindi na din siya nagsalita pa. Yung paglilikot din ng kamay niya kanina hindi na niya inulit pa. Siguro gusto lang din niya na ganito kami. Na magkausap lang. Kasi ayun naman ang kulang sa amin. Ang pag uusap. Pero napaisip din ako sa sinabi niya. Yung tatlong salitang yun kapalit ng paglipat niya dito. Pero Mark Ethan parehas pa akong hindi handa sa dalawang bagay na yun. Mag iipon pa ako ng paglalagyan ng kilig para sa sandaling yun. At madami dami ang kailangan kong pag ipunan.

_casper_

ALL OF ME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon