25: Grim Son

520 19 4
                                    


Caroline's POV

Malapit na akong makapasok sa loob ng klase ngunit sadyang pinapahirapan ako ng sugat sa aking binti na dinulot ng lalaking iyon. Naakainis talaga siya. Wala na siyang ibang ginawa kungdi ang saktan ako. Kahit na anong hingi niya ng tawad sakin ay hindi ko siya mapatawad. Ganon talaga siguro kapag alam mong malaki ang kasalanan sa'yo ng tao.

Mahirap patawarin.

Dalawang hakbang pa at nakapasok na nga ko sa klase. Nabaling ang atensyon ng lahat sakin at natigil sila sa kani-kanilang mga ginagawa. Napangisi ako. Alam ko namang wala silang kaalam-alam sa kung ano ang nangyari sakin nung araw na iyon.

Paglakad ko patungo sa aking pwesto ay nakatingin pa rin sila. Saktong pagkaupo ko naman nang pumasok ang magkakaibigang sina Patricia. Bakas ang matinding takot at lungkot sa kanilang mga mata at alam ko ang dahilan nun.

Wala na si Prince.

Natagpuan ang katawan nito kani-kanina lang sa may gilid ng Sebastian Academy. Magpahanggang ngayon nga siguro'y baka pinagtitinginan pa rin ito ng mga tao at kinukuhanan ng litrato. Ang mga pulis na sana'y magliligpit sa bangkay ay wala pa dahil parati naman silang huli sa mga ganitong pangyayari.

"Anong nangyari sa binti mo?" Nginitian ko lang ang tanong sakin ng pakialamera kong classmate na si Ashly.

Wala siyang dapat na malaman.

"Okay," aniya bago muing tumingin sa labas.

Napatingin ako kina Patricia nang sandaling makaupo na silang lima. Dalawa na sa kaibigan nila ang namatay. Hindi malabong masundan pa iyon dahil tila may taong may matinding galit sa kanila kaya ginagawa ang bagay na iyon.

"Alam kong iniisip mo." Napatingin ako kay Bianca dahil sa narinig ko. Hindi 'to maaari. Batid kong wala siyang alam sa mga nangyari.

Napangisi na lang ako.



Lloyd's POV

Nagsimula na ang klase ngunit hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang itim na papel na iyon. "You're Next". Napalunok ako nang maalala iyon. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay ako na ang susunod na paghihigantihan ni Aira. Natatakot ako. Natatakot sa kaya niyang gawin sakin. Sa papaanong paraan niya ako papatayin?

"Please take some notes regarding sa topic na ituturo ko sa araw na ito. And ready for a very short quiz tomorrow."

Muli akong napatingin sa harap nang marinig ang sinabi ng kasunod na guro na pumasok sa loob ng klase namin. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Wala pa naman akong maintindihan sa tuwing nagtuturo siya. Wala kasi siyang kadating-dating magturo. Puro pabasa lang siya ng mga visual sa harap tapos hindi niya pa ma-explain ng maayos.

Seriously, bakit nagteacher pa siya?

Hindi naman sa kinukwestyon ko ang pagiging guro niya. Nakakainis lang kasi dahil hindi niya magawa ng maayos ang trabaho niya. Guro nga siya ngunit hindi niya magampanan ito ng tama. Parang kami pa rin tuloy ang nagtuturo sa mga sarili namin sa subject niya.

Tama ba iyon?

Nagearphone ako kahit na alam kong nagtuturo si Mr. Almando sa harap. Wala rin naman akong maintindihan sa tinuturo niya kaya ayos na rin siguro 'to. Ewan ko ba dito sa mga kaklase ko kung papaano nila natiya-tiyaga ang ganitong klase ng pagtuturo ng lalaking ito.

Napakawalang kwenta.

Maraming minuto ang hinintay ko bago ko siya makitang lumabas na ng klase namin. Napangiti ako. Sa wakas ay wala na rin ang lalaking iyon. Sinasayang niya lang ang oras at laway niya samin. Wala naman kaming mapapala sa kanya, ganon rin samin.

Live or DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon