[70] Memories

409K 9.5K 1.7K
                                    

[70] MEMORIES

GAIL'S POV


I flipped another page of the book I am reading. Nililibang ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

A tear fell from my eye when I remember my dad's condition. Inilapag ko sa kama ang librong binabasa ko kanina at pagkatapos ay niyakap ang dalawa kong hita.

May sakit sa puso si Daddy, at ako ang dahilan kung bakit siya inatake kagabi. Pinasama ko ng sobra ang loob niya. Gusto ko lang namang kausapin si Kurt kahit sandali, pero dahil sa pakiusap na 'yon, mukhang pinagulo ko lang ang sitwasyon.

Dad is in a stable condition now though hanggang ngayon ay nagpapahinga pa rin siya. Ayaw niyang maconfine sa ospital kaya nandito siya sa bahay, sa kwarto nila ni Mama.

Gulong-gulo na ang isip ko. Ayaw na ayaw ni Daddy kay Kurt, at hindi ko alam kung bakit ayaw gumawa ni Kurt ng paraan para kausapin ang parents ko... para ipaglaban ang kung anong meron sa amin, at para lumagay na kami sa tahimik.

Kailan ba ako sasaya?

Ilang saglit din akong nakatulala sa kawalan nang mayamaya ay naisipan kong lumabas na ng kwarto at puntahan si Daddy. Hindi pa man ako nakakarating sa master's bedroom ay naabutan kong papasok doon si Fifth. Napahinto ako at hindi na tumuloy pa. Ayoko muna siyang harapin. There are lots of thing that I wanted to know about him but he never let me. Pakiramdam ko, marami siyang itinatago mula sa akin.

As I was pacing back to my room, I heard some loud footsteps behind me.

"Psst! Gail!"

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nagulat ako nang makita si Kaye Anne na patakbo sa direksyon ko. Niyakap niya agad ako at inipit ang dalawa kong pisngi sa mga palad niya. "Grabe! Kumakain ka pa ba? Namamayat ka na at namumutla pa."

"T...Teka," kumalas ako sa yakap at hindi pinansin ang tanong niya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wait lang. 'Wag tayo dito."

Hinila niya ako papasok sa kwarto ko, pagkatapos ay nilock niya ang pinto. Pinaupo niya pa ako sa kama at saka siya tumayo sa harapan ko. Mukha siyang natataranta. Ano bang meron?

"Didiretsahin na kita. Dinahilan ko lang sa kanila na dadalawin ko si Tito pero ang totoo nyan ibabalita ko lang sayo na naaksidente si Kurt kagabi."

Napasinghap ako. Saglit akong hindi nakaimik. Automatikong pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Parang kagabi lang ay sinusundan niya pa ang van na sinasakyan ko. Oh God, bakit kailangang magkaganito kung kailan marami akong problema?

"P..paano? Kamusta na siya?" Unti-unti nang nangingilid ang mga luha sa mata ko. "Kaye Anne, please! Okay lang siya diba?"

Iniisip ko pa lang na may nangyari sa kanyang masama ay parang dinudurog na ang puso ko. Sana naman hindi malubha ang natamo niya.

"Si Chloe lang ang nagbalita sa akin eh," mahina niyang sabi at yumuko. "Bago ako nagpunta dito ay dinalaw ko rin si Kurt. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. He was involved in an accident last night along the West road."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko. Naibaon ko ang aking mukha sa dalawa kong palad at dun na humagulhol. Dun sa lugar na 'yun niya kami sinundan kagabi. Ako... Ako na naman ang dahilan kung bakit siya nadisgrasya. 

"K...Kaye Anne, bakit ba 'to nangyayari sa amin? Bakit ba nila kami pinapahirapan? Hindi ko na kaya."

Niyakap niya ako't inalo. Saglit siyang hindi nagsalita hanggang sa maramdaman ko ang palad niya sa likod ko na humahaplos.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon