33

190K 2.7K 263
                                    

Twitter @XianRandal

FB: Xianrandal

FB Group page: X.i.a.n.a.t.i.c.s.

33

“Sinta, natatakot ako, baka bigla na namang susulpot ang mumu.” Pasimpleng nakayakap na siya sa kanyang asawa.

“Lakas ng loob mong manood ng horror pagkatapos mashoshokot-shokot ka.” Simpleng kumakain lamang siya ng popcorn. Kumuha ng iilan at isinubo sa Sintas niya. Sitting pretty lang talaga itong Joanna Paras niya, gusto sinusubuan pa niya ng popcorn at sa iisang softdrink cup pa sila iinom para sweet raw.

“Ang daming alam na chorva.” Napalakas na sabi niya.

“Ano yun, Sinta?”

“Waley, ang sabi ko, pretty ka like me.”

“Sinta, wafu ka, otoko, chopopo.” Pagtatama niya.

“Whatever.” Sinubuan na naman niya ng popcorn ang asawa, paano ba naman, nakanganga na parang sira. Halikan kaya niya ito?

“You wanna kiss me?” Namumungay pa na sabi nito. Aba! Nahulaan ang nasa isip niya!

“Ay, pumaparaparaan ka na naman, Sintas.” Nilagyan niya straw ang bibig nito at nang makasipsip ng softdrinks.

“Sinta, mamaya ulit ha.” Lambing nito.

“Anong mamaya?” Kinikilabutan siya sa takbo ng usapan nila. “MAnood ka na Sintas, napaka chaka ng bida.”

“Mamaya, NM ulit tayo.” Ayaw paawat ng Joanna Paras niya! Bongga!

“Ella Luansing lang ang peg. (state of being horny) Sintas, huwag mo naman akembang araw-arawin. Baka malosyang ang byuti ko.”

“Eh kasi Sinta, we need a baby. Kaya kailangan nating mag overtime.” Sabay hagikhik. Niyakap niya ang Sinta niya at hinalikan sa pisngi. Wala na tuloy siyang naintindihan sa pinapanood niya. Mas masarap panoorin ang Sinta niya eh.

After that, they went shopping inside the mall at ang kanyang supah excited na nyosawa ay sa baby section pumunta.

“Anong gusto mong unang baby natin, Sinta, boy o girl?”

“Kahit ano, Sintas.”

“Sana po kambal, Ma’am at Sir, bagay po kasi kayong dalawa, pareho kayong gwapo at gwapa.” Sabi nang nakangiting sales lady.

“Pareho kaming maganda, Miss.” Sabi ni Elvin, sarap lang irapan ng mujer na inetch!

“Po?”

“I mean, pareho kayong maganda ng misis ko, peo siyempre, siya ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakilala ko.”

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon