11. The miserable ones.

51K 1.3K 451
                                    

11. THE MISERABLE ONES.

“IT was more than a year nu’ng magising si TJ mula sa coma. One year and seven months, to be exact. Ako ‘yung nagbabantay sa kanya no’n, kasi, syempre, busy ang dad niya,” kalmadong pag-uumpisa ni Margarette. “I remember I was peeling an apple not for him but for me because, of course, he couldn’t eat. We always kept a quiet surrounding around him, so, ako, bilang bored, I was watching on my phone with earphones plugged in my ear. I didn’t know what made me look up from my phone to TJ’s bed, but when I did, I just saw him staring at me.”

Nag-umpisa nang mangilid ang mga luha sa mga mata ni Margarette habang kinukwento ‘yon kay Arianna.

Si Arianna naman, hindi niya alam kung bakit, pero nangingilid din ang mga luha niya.

Iniisip niya, ano kaya ‘yung pakiramdam no’n? ‘Yung siya ‘yung nando’n sa pwesto ni Margarette sa mga oras na ‘yon?

 

“Gulat na gulat ako no’n. Akala ko panaginip or namamalikmata lang ako. Walang nag-e-expect na magigising pa siya. We were just waiting for a miracle to happen kaya kami kumapit ni  Dad—I mean.... Pero Arianna, he was staring at me. I don’t know how long, I don’t know... That moment was so precious. Nakapaling ‘yung ulo niya para lang matitigan niya ‘ko. I’m not saying this to hurt you, I just want to share with you how I felt that moment. When he was miraculously alive and while I was crying... he smiled. He actually smiled for me.”

Ginawa ni Arianna ang lahat para pigilan ang mga luha niya.

Na-imagine niya ang lahat. Kung paanong nakatingin si TJ kay Margarette, kung paanong ngumiti ‘to.

She wished she was there. She wished she was Margarette. She would do anything just to be there.

“Pero alam mo kung ano ‘yung una niyang sinabi sa’kin?” This time, iyak na nang iyak si Margarette at parang nahihirapan pa sa gustong sabihin. “Sabi niya... Sabi niya...” Saglit na napatakip pa sa mga mata si Margarette dahil sa pagpipigil ng iyak. “Sabi niya, ‘Ate, bakit ka umiiyak? Kamukha mo pa naman ‘yung bestfriend ko’.”

 

Umiiyak na rin na napakagat na lang sa labi si Arianna sa pagpipigil. Nagka-amesia talaga si TJ.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yung sinabi niya sa’kin kasi para akong tinadyakan sa sinabi niyang ‘yon. Hindi ko alam kung ‘yun ba ‘yung una niyang joke dahil alam niyang matagal siyang nawala pero nu’ng tinanong ko siya kung ano’ng pinagsasabi niya, nagtatakang tinignan niya lang ako na para bang baliw ako sa paningin niya dahil hindi niya naman ako kilala pero umiiyak ako sa harap niya. Tinignan niya lang kung nasa’n siya tapos nagtatakang tinanong niya na lang kung bakit daw nasa ospital siya, e, para nalaglag lang naman daw siya sa puno kasi ang harot daw ni Meg.

“Arianna, that was us. That was us when were kids. Hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko noon na umakyat sa mga puno pero dahil pinilit ko si TJ, tinulungan niya ‘kong makaakyat. Hindi kasi ako sanay kaya sa balikat niya ako tumatapak, isang hakbang na lang nakatayo na sana ako sa isang sanga pero pagtapak ko, kamay na pala ni TJ ang natapakan ko kaya nalaglag siya. Pero Arianna, that was ages ago.”

[BME 3] : BE MY ESCAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon