Chapter 1

108 6 3
                                    

Andrew POV

Ang tagal naman ng babae na yon! Kanina pa ako dito mag iisang oras na akong nag hihihntay sa kanya. Sobrang bagal niyang kumilos kahit kailan talaga. kala niya hindi ko papansin yon?!

“Hi Tutti kanina ka pa ba jan? Sorry ah, late na kasi ako natulog kagabi. Nakalimutan ko na may lakad pala tayo ngayon." sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Kala nia ah? Pinaghintay nia ako ng matagal ditto, mag tiis ka jan. Kala mo papansinin kita jan?  Sa limang taon naming magkasintahan, hindi talaga niya maiwasan na malate. Hayy naku, hindi ko talaga alam kung bakit ko napagtiisan yang babae na yan. Pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko siya. Tinalikuran ko lang siya at nag lakad papuntang sasakyan.

“Hoy Tutti, sorry na. Pansinin mo naman ako oh..” sabi niya habang naka-pout. Haha ang cute talaga niyang tingan.  Hinding hindi talaga ako mag sasawa na tingan siya, tiningnan ko lang siya ng masama.

“Ano pa ang tinitingin-tingin mo jan sasakay ka ba or tatayo ka lang jan?” sabi ko

“Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto ng kotse mo? Tsaka hindi mo man lang ako hinalikan. Nag sorry na nga ako sayo eh. Hindi mo man lang ako papansinin! Hindi mo kasi alam kung bakit ako late natulog kagabi.” Sabi niya, sabay pasok sa loob. Grabe tong babae na to! Siya pa ang nagtatampo. Dapat nga ako ang nagtatampo sa kanya kasi ang tagal kong nag hintay. Tss,  mga babae nga naman. Sumunod na ako sa loob, pag bukas ko ng sasakyan, nagulat ako dahil niyakap niya ako 

“Sorry na talaga.. Late na kasi ako natulog kagabi. Nag aral pa ako kasi may exam pa kami sa Tuesday,  nakalimutan ko na pupunta pala tayo sa mama mo. Sorry na please? Alam mo naman na hindi ako sanay na hindi mo ko pinapansin eh.” Ayan na, nanglalambing na siya. Hayy nako, bakit hindi ko ba kayang tiisin ‘tong babae na to? Niyakap ko na din siya pabalik.

“Tsk, hindi mo man lang ba naisip na nag hihintay dito ‘yong gwapo mong boyfriend? Pano kung may manghalay sa akin jan sa daan habang hihi- A-aray! HAHAHA Bakit ka ba nangungurot?  May punto naman ako ah?!” Pang-aasar ko.

“Ang kapal naman ng mukha mo! Ano ka?! Si LEE MIN HO na pagkakaguluhan? Taas din ng pangarap mo ah! Ganyan na ba ang epekto sayo ng paghihintay mo sa akin? Hahaha” Aba, loko tong babaeng to ah, dapat ako ang pinaka-gwapo sa mata nya! Ako boyfriend nya eh!

“Hindi ba talaga mawawala sa usapan natin yang LEE MIN HO na yan? TSK” ikinukumpara parin niya ang kagwapuhan ko sa na Min Ho na yon?! Buset. Hanggang kelan ba?

“Hahahaha!” Aba! Tumawa pa. Nangaasar lalo. “Hanggang ngayon nagseselos ka parin sa kanya?! Crush ko LANG siya, MAHAL kita.” Talagang isinigaw yung salitang mahal?Pwede naman sigurong kiligin ang lalakie diba? Sh*t.  “Tsaka, hindi ako papansinin nun. Sa milyon-mil’yong babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi na niya maiisip na may nagkakagusto sa kanyang DYOSA hahaha” Dyosa daw. Parehas talaga kaming mahangin neto, kakatuwa. Haha

“Talaga naman oh. Dyosa daw.” So itinaas ko ang kamay ko para makipag-hive five. Nakipag-apir naman siya saken. “Feeler ka talaga , Frutitas” Alam ko maiinis na to saken. Haha  Inistart ko na ‘‘yong sasakyan.

“Hoy ULAN! Dyosa ako, kaya nga patay na patay ka saken eh. AT ang sweet kaya ng Tutti Fruti tapos ginaganyan mo endearment naten! Bad ka! Bad.” Ang tining na ng boses nya at namumula na ang muka nya. Mukang siopao. Hahaha

I Won't Let goTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon