ALL - Six

26.3K 663 158
                                    

“Ano Gia, masasamahan ba tayo ng kaibigan mo?” tanong ni Kuya na nag-aayos ng puting polo shirt niya. Lumapit sa kaniya ang asawa niya at inayos ang kwelyo. “Thanks babe,” he kissed her.

Ugh, too early, too much for my eyes.

Paano ko kaya sasabihin sa kanila na na-offend ko kagabi si Dada at malamang sa malamang eh galit iyon sa akin at hindi kami sasamahan ngayon? Paano?

Katatapos ko lang sa pag-blow dry ng buhok ko. Sinuklay ko ito bago sumagot. “Ah ano kasi Kuya…” I trailed off.

“Dad! Can I wear my cap?” singit ni Ace. Sige lang Ace, sumingit ka lang habang iniisip ko pa isasagot ko.

“Yes baby, pati shades mo pwede rin.” Kuya Casimir smiled. Sinuot naman ni Ace ang ball cap at shades niya. Ang gwapo naman talaga ng pamangkin ko.

“Gwapings ng anak ko ah.” puri ni Ate Alex sa anak.

“Wala eh, ako tatay eh.” Pagyayabang ni Kuya at sinamaan siya ng tingin ni Ate. “What?”

“Ang aga-aga Casimir ha. Magtigil-tigil ka.” Inayos naman ni Ate Alex ang damit ng bunsong anak na si Art.

Kuya rolled his eyes, “Tss.”

Humarap si Kuya sa akin, tinanong muli si Dada, habang sinusuot ko ang isusuot kong sandals. Naka-spaghetti strap ako, maxi skirt, at scarf na light pink. At hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. Hindi ko rin naman kasi alam ang number ni Dada, pinapatawag ko na lang siya doon sa front desk every morning ‘pag ready na ako sa pagto-tour namin. Ibinuka ko na ang bibig ko para sana sabihing hindi ko alam eh may kumatok sa pinto at tamad na binuksan ni Phillip ang kung sino mang iyon. Dinig kong may kinausap siya at naglakad na palapit sa amin.

“Come on, andito na tour guide natin.” My twin brother smiled fakely. We all know na ganiyan talaga siya ngumiti, he never showed us his true feelings… except na lang ‘pag nabi-bwisit siya. Ang dali kaya ma-bwisit niyan. Ang galing mamikon pero ‘pag siya na ang inasar mas pikon pa.

Kinuha ko ang maliit kong sling bag. Nakipag-unahan ako kay Phillip na lumabas ng casa para tignan ang sinasabi niyang tour guide namin. Napanganga naman ako na makita ang likod niya… kitang-kita mo ang kakisigan niya sa suot niyang gray shirt at khaki pants. Bakit hindi naman siya mukhang mahirap tignan? Tss, nagagawa nga naman ng face value, oo.

“Dada…” I called.

Humarap siya at hindi ko naman inaasahan ang pagngiti niya. Ang akala ko ay hindi niya ako papansinin dahil sa nasabi ko kagabi. Akala ko galit siya sa’kin.

“Ready na?” he asked.

Sakto namang lumabas sila Kuya at nag-usap sila. Magkakausap ang mga lalaki, habang palabas kami ng resort.

Kasabay ko namang naglalakad si Ate Alex. “Alam mo may napansin ako sa inyo ng kaibigan mo.” Ngumiti siya. Hala, napansin kaya niyang may alitan kaming dalawa? Napansin kaya niyang off kami sa isa’t isa, pero hindi naman kami off ah? Ngumiti pa nga siya sa’kin. Teka, magkaibigan ba kami? “Bagay kayo.” She chuckled.

I looked at her only to see her teasing smile and stare. “Stop it, Ate.” My cheek flushed.

“Oh eh bakit ka namumula?” She ruffled my hair. Ugh, why my hair? Ilang oras kong inayos ‘yan Ate tapos guguluhin mo. Anong problema? “Mukhang may kahati na si Gavin sa’yo.”

My mouth formed an O. Of course not, si Gavin lang ang lalaki na nakikita ko, siyempre not literally, goodness. Walang kaagaw si Gavin sa akin ano! Siya lang ang lahat sa akin. Charot. But what I mean is, all my life he’s the guy that I am dreaming of, he is my prince charming, and I never imagined myself liking someone else.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon