Reflection 7

18.8K 572 293
                                    

Before reading it; wag kayong mag-i-skip ng paragraph kasi hindi nyo sya maiintindihan dahil tumalon talon ako sa dimensions (nuh daw?) haha. BTW, inline nyo nalang ang typo/wrong grammars.

 

                In your arms, as the dawn is breaking,

                Face to face in a thousand miles apart…

                                                -Only love

 

Reflection VII

 

-Ryan-

                How could I possibly move on if her after image was burned into my eyes and I lost focus?.

                “Ryan, dodge the ball!.”

                Huh?. Bago ko pa magawang makaiwas tumama na sa mukha ko ang bola ng basketball. Plakda akong bumagsak sa sahig at tila ba sandaling umikot ang paligid. Pinalibutan ako ng mga ka-teammates ko to check on my condition.

                “Are you okay Ryan?.” Someone asked. May nagtaas pa nga ng daliri sa mukha ko sabay tanong kung ilang daliri ang nakikita ko. May nag komento pa nga na lutang na naman daw ako.

                Sa dami ng mga sinabi nila at itinanong ni isa wala akong nasagot. Nakatingala lang ako sa  kisame at pinagmamasdan ang ilaw sa itaas. I raised my hand unconsciously, trying to grasp the light with my firm hand. Kahit anong iwas at tanggi ko biglang nagflash back sa akin ang araw na nagkalakas loob akong kausapin si Jade.

                I was young that time. Kahit lalaki ako, ang mga tuhod ko sobrang nangangatog ng makitang papalapit na sya sa pwesto ko. She was talking over the phone.  I took a long deep breath, basta ko na lang tinawag ang pangalan nya, nagpakilala and ask her to date me and you know what she replied?.

                “Anong size ng paa mo?”

                Jeez, who would ask such a stupid question?. I mean, biglang may lumabas na lalaki sa harapan mo asking you to be his girlfriend at ang isasagot mo lang ay ‘anong sized ng paa mo?’. Sure, si Jade lang ang may guts na gawin ang bagay na iyon. Ang malala pa nito ang reason nya kung bakit nya ko tinanong about sa ‘size ng paa’ is simply because: ‘Dude, hindi mo ba alam na doon mo malalaman ang size ng Johnny ng lalaki?’.

                Sa isip isip ko: ‘Whoa, sino si Johnny?’. Tawa ng tawa ang mga kaibigan ko ng tanungin ko sila kung sino  si John – hep! Correction kung ‘ano si Johnny’.  Siguro nga naïve ako ng mga panahon na yun dahil wala pa kong alam sa mga ganoong term.

                Four years...

                Apat na taon din kaming nagsama si Jade. Call me corny and say whatever the hell you want to me but my feelings for her is getting stronger and stronger each day. Akala ko noon kapag nasa isa kang relasyon magkakasawaan din kayo na madalas mangyari sa mga kaibigan ko and then doon na mawawala ang love.

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon