Chapter Thirty

283K 3K 516
                                    

“Hoy.”

“Ay churvaneneg palaktuts!” Sigaw ni Rhian. Tiningnan naman siya ni Noneen paano naman kasi kanina pa nakatunganga ang bruha ayan tuloy.



“Lalim ng iniisip naten bakla ha.” Tukso ni Noneen. Napabuntong hininga naman si Rhian bago tumingin sa kaibigan na may malungkot na mukha.



“Iniisip ko lang kasi…”



“Ano?”



“Ba’t ang ganda ko?” Sabay batok naman ni Noneen sa ulo ng kaibigan. “Aray masakit ha gerlalu!!” Sigaw ni Rhian.



“Gaga, ayan ka nanaman. Kala ko naman kung ano, ang seryoso pa naman ng mukha mo!” Sabi ni Noneen. Ngumiti lang si Rhian.



“Bakit? Seryoso naman ako eh, ba’t ba ang ganda ko?” Sabi ni Rhian sabay hawak sa mukha tumawa na lang si Noneen at sakto naman nun ay pumasok na ang kanilang teacher…ang kanyang asawa.



“Goodmorning class.” Bati ni Lawrence sa klase as usual.



“Goodmorning Sir Law—“



“Goodmorning Sir Papalicious!”



“Goodmorning sa aming super hot na teacher.”



“Goodmorning Sir Gwapo! Yiie!” Napatingin naman si Noneen sa mga kaklase nyang babae sa harap. Walanghiya naman no, kung pwede lang magsalita no at kung di lang sikreto tong kasal nila baka kanina pa niya sinigaw.



Hoy asawa ko yang nilalandi nyo!



“Thanks girls. You may now take your seat.” Ngiting sabi ni Lawrence na mas kinakilig ng mga babaeng kaklase nya. Napailing na lang siya, langya rin tong asawa niya eh. Nagpasalamat pa at nakikipaglandian din!! Umupo na lang siya tsaka kinuha ang libro niya. Kahit kelan no! Eh ba’t ba ganito iniisip niya. Erase, erase, erase.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon