Tears Behind her Ringtone <3 (one-shot)

35.4K 912 511
                                    

A/N:

Mga machong kiddo there. Baka pamilyar tong stowee na to sa mga mata niyo. Nyahahahha. inedit ko lang kasi toh galing sa mga gm sa inbox ko. XD

So ayun.. konting kembot at paglalagay ng echos. :)))) 

Warning. baka mamatay kayo sa... tawa. Corny lang toh. ^_- 

Play the song------> Para mas intense. oha ohaa.

Keep reading. Wuv Youu!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabi nila..walang happy ending ang mga lovestories..

Dahil darating parin ang araw na iiwan ka niya...or kailangan mo na siyang iwanan.

Sad but true. Lalo na kung ang last presence niya pa eh binale wala mo lang. And you never know iiwan ka na niya.

"A-akala ko ba..*hikbi* infinite tayo, *hikbi* na hindi mo na ako iiwan?"--Kyla

Kaya kayo pahalagahan niyo sila.. habang may oras pa. Appreciate their presence cause you'll never know kung kelan ka niya iiwan...wag kayong gumaya sa akin.

~~~

Hi! Im Kyla Cristol, Medicine student. And Im a GEEK. As in yung tipong NERD. Pero may fashion naman ako sa pananamit sabihin lang talaga natin na nothing is more important to me than my studies... and family. Alam ko lang sa buhay ay tumambay sa school library at kausapin ang mga libro. That's all. I never knew the word "inlove" "brokenhearted" "MU" at kung ano pang ka ekekan na related sa LOVE. Nope, hindi ako bitter. Inosente lang talaga. 

Until this guy came into my life...The one who taught me how to love. He is Jiro Santos. Gwapo, macho at campus crush. Hindi ko nga inaakala na magiging kami. OY! hindi ko siya ginayuma ha. Ewan ko kung pinaglalaruan niya lang ako or SHOTA (means "Short time") lang ako sakanya. Basta I knew I LOVE HIM.

"Hi babe, tara mall tayo :D" 

"date tayo or gala sa kung saan...basta kasama kita" sabi ni Jiro while wearing his sweetest smile.

Papayag  na sana ako. Ako pa? tatanggi pa ba ako diyan?! Basta para sakanya GOGOGOGO!!!

nang nagring ang phone ko...

*Bebe koo! bebe ko Ay LABYO!! (recorded voice ni Jiro)*

Sinagot ko agad.

"Hoy!! Babaita! umuwi ka na sainyo at gawin yung thesis! ikaw nalang hindi nag ccontribute sa thesis natin. ENBEYEN. Lagi ka kasing busy kay Papa J mo eh. Dalii! i e-mail mo na sa akin at ako ng magpapaprint. Basta hanggang bukas lang toh! "

hala! may saltik talaga tong si Meanne, ngayon na nga lang kami mag dadate ni Jiro eh:(  Anyway..nakasalalay dito grades naming lahat. Tsss.. Sorry Jiro. Wala pa kasi akong nasisimulan sa thesis, Eh bukas na pasahan namin. WaaaA!! nakakataranta.

"aa..ee..Bebe, sorry busy ako eh. Sige uwi na ako"

"Hatid na kita."

At hinatid na nga ako ni Jiro. Papasok na ako sa bahay ng...

"sayang naman... gusto pa naman kita makasama.........(soft voice) for  the last time" sabi ni Jiro. Last time?? ang OA naman niya.

"Bebe narinig ko yun, anong last time last time na yan?" tanong ko. Nakita ko siyang lumungkot ang mukha...anong meron?

Tears Behind her Ringtone &lt;3 (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon