IJLT 38 - Distance

23.7K 844 65
                                    

Long distance relationships are hard enough. What more yung pinadidistansya ka sa taong araw-araw mong nakikita at nakakasalamuha? It's pure torture. Lalo na kung ang katulad ni Hans ang kailangan niyang iwasan.

"Iya, please, talk to me."

Nakaluhod na ito sa harapan nya. Gusto nyang lumubog sa kahihiyan. Nakatingin sa kanila ang buong klase, nakikitsismis. Kahapon lang kasi ay ayos pa sila ni Hans. Sobrang sweet at hindi na mapaghiwalay. Who'd have thought na isang araw lang ang itatagal noon?

She got angry with her father yesterday. Kung makapagsalita ito, parang hindi nito napagdaanan ang pinagdadaanan niya. Pero pagkatapos niyang umiyak at makapag-isip, na-realize niya na tama rin ito. Alam niya sa sarili niyang kaya niyang mag-excel. But lately, her grades were going downhill. Madalas siyang absent at absentminded. And it's all because of Hans.

Pero ngayong nakaluhod sa harapan niya si Hans, hindi niya magawang magalit dito.

"Iya, please," pagsusumamo nito.

"Kausapin mo na."

"Oo nga. Kawawa naman."

Kanina pa niya gustong bawiin ang kamay niyang hawak-hawak nito, pero natatakot syang baka bigla na lang itong magwala. Mahina pa naman ang EQ ni Hans.

"O-Okay. Fine. Pero mamaya na pagkatapos ng klase."

--

She tried to ignore Hans during class hours, pero mahirap. Maya't-maya ba naman nitong nilalaro-laro ang buhok nya. Lumipat sya ng upuan kanina para makapag-aral ng maayos. But Hans followed her in front. Naupo ito sa likuran nya. Inilapit pa nito ang upuan sa kanya.

Gusto na nga niyang umuwi, mag-skip ng klase at magkulong na lang sa bahay. So when they were finally dismissed, nakahinga na siya ng maluwag. Just one more hurdle, and then she can go home. She sent her dad a message saying na mahuhuli siya ng kaunti dahil kakausapin niya si Hans.

He just replied 'Okay. I'll wait. Don't be long.'

Huminga muna siya ng malalim. Hans told her na sa sasakyan na lang nito sila mag-uusap. Kahit saan kasi sila pumwesto sa school, maraming umaaligid, so she agreed. Pero ang kundisyon niya, sa driver's seat sya uupo. Mahirap na, baka kung saan na naman siya dalhin nito.

Hinawakan nito kaagad ang kamay niya. His eyes, pleading.

"Iya, please don't break up with me."

"Hans." She pulled her hand away. "It's either that or you'll break up with me."

"I already said sorry, di ba? Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Nagmukha na nga akong tanga kanina sa harap ng buong klase e. Balewala ba yun sa 'yo?"

Nalungkot sya sa narinig. So wala pa rin pala talagang pagbabago rito. He's still the same selfish jerk.

"Hindi ko naman sinabi sa 'yong kailangan mo akong luhuran, di ba?"

"Oo, alam ko. But I'm trying everything to make this work. I was expecting you'd do the same."

"I am," giit niya. "Kaya nga sabi ko layuan mo muna ako ng two weeks, di ba? Two weeks lang, Hans! I will just try to straighten my life that you so easily screwed for these past few days!"

Napamura ito. "Matapos mong sabihin kahapon na totohanan na tapos—"

"Hindi ko naman binabawi a!"

Natigilan ito.

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. "Ang sa 'kin lang naman, totohanan na nga, bakit hindi pa natin ayusin? Our relationship is so wrong on so many levels. Ni hindi mo ako niligawan sa bahay namin, hindi ka humarap sa parents ko, you didn't court me properly. Ang pinairal mo lang, yung 'I don't take no for an answer' spiel mo. Na inaasahan mong susunod sa 'yo lahat kasi ayaw mong tinatanggihan ka.

I Just Loved TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon