MGD 22 - Chase Me

296K 6.4K 635
                                    

MGD 22 — Chase Me

"Put your hands on her waist. Don't smile and both of you, give your fiercest look!" the head photographer announced. I elbowed this jerk beside me, "Umayos ka nga.." I taunted. Nakakainis ang halimaw na 'to, feel na feel n'ya ang kagwapuhan n'ya.

Today, we are having our photoshoot. Oo, ang masaklap pa ang sinabing photoshoot sa akin ng manager ko ay between me and Terrence Sy. Grabe, hindi ba ako makakaligtas sa kanya? Oo boyfriend ko s'ya pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko na makakalimutan ang kabastusan n'ya. Ew, naaalala ko na naman tuloy ang nangyari sa amin. Oh scratch that, it may sound so green right?

That moment, I hit him using his pillow hanggang umaray s'ya sa sakit. He deserves it. Kadiri lang talaga! Then he explained why it happened, kesyo raw ganun talaga ang mga lalaki kapag umaga.Tsaka hindi raw s'ya sanay matulog sa sofa kaya tumabi s'ya sa akin nung madaling araw tapos unconscious daw s'ya kapag natutulog kaya hindi nya rin daw alam na nakayakap s'ya sa akin. What the hell!!! Never akong maniniwala sa kanya, kesyo raw sa akin lang daw sya ganun. Ugh, the nerve. Sa akin lang daw sya magiging maginoong bastos. Ano daw?! Yuck! Ew! Gross!

"Ikaw ang umayos, ano na naman bang iniisip mo?" I glanced to the whole team. They look at me as if I am a criminal. Ugh, kasalanan n'ya 'to ng dahil sa kanya ay naiisip ko na naman ang mga bagay na iyon. He grinned at me, "Woaah! Don't tell me that your thinking again about that. Jeez, alam kong malaki si parekoy pero huwag mo naman ako pagnasahan!" mas malakas ko s'yang siniko.

"Ang kapal mo talaga! Matapos lang yung shoot na 'to. Makikita mo ang hinahanap mo, isu-shoot kita sa basurahan!" pananakot ko. Pero ngumiti lang s'ya at dahil doon ay napagalitan s'ya ng head photographer.

"Stupid.." I murmured pero inirapan n'ya lang ako habang ako naman ay nakikinig sa mga instruction na binibitawan ng team. Mahirap na at baka mapagalitan pa ako ng masungit na kalbo na 'to. Well, hindi ko naman aakalain na si monster pala ang kapartner ko para sa shoot na 'to kung saan kaming dalawa ang magiging cover for the month of September.

Since, nabalitaan nila na nandito na sa Pilipinas ang isa sa mga supermodel na galing sa Paris ay napagdesisyunan nila na ako ang i-cover. Ang pinagtataka ko nga lang kung bakit may kasama pa ako, e kaya ko naman mag-isa. Duh! Baka nga makasira pa ang kapangitan ng halimaw na 'to sa issue na ilalabas sa month ng September.

Kanina pa rin kami nagsshoot, iba iba ang pinasusuot sa amin. Mabuti na lang talaga ay bitbit ko ang sikat kong stylist dahil never kong susuootin ang pinasusuoot nila sa akin. Take note, buti na lang pala ay na-inform nila kaagad ang stylist ko para sa theme ng shoot, isang modern vintage na theme. Na bagay na bagay naman sa kagandahan ko, masyadong maganda.

"Okay next pose will be.." tumingin ang head photographer sa akin, "Snake your arms around his neck.." nag-angat ako ng tingin sa lalaking kaharap ko at kinindatan n'ya ako. Inirapan ko naman s'ya, "At ikaw Mr. Sy, kindly put your hands on her waist.." mas mabilis pa sa kidlat ang naging response n'ya, pabor na pabot ang mga posing namin sa kanya. Ugh, kung pwede lang talaga magsolo ay ginawa ko na.

"Closer please!" sigaw ng assistant photographer na sinang-ayunan naman ng head. Wala akong nagawa kung hindi lumapit ng kaunti sa lalaking 'to. Maging s'ya rin ay lumapit din. "Eye contact guys!" medyo naiilang talaga ako kapag napapatingin ako sa kanyang mga mata. You know what, hindi pa rin nagbabago ang epekto ng mga titig n'ya sa sistema ko.

"Perfect!" sigaw ng head photographer sabay sunod sunod na narinig ang mga pag-click ng mga high resolution camera nila. "Next pose will be.." napatingin na naman sa akin itong kalbo na 'to, "Ms. Lua, sumampa ka sa likod ni Mr. Sy, pagkatapos ay tumingin ka sa kan'ya habang nakangiti..Dapat magmukha kayong mag-jowa. Get it?" napataas ng bahagya ang kilay ko dahil sa pinapagawa n'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon