020. Magic

1.7K 60 23
                                    

“MMMMMHHHHHHHHTUUUUMMMMMMMPPP”  

 

Bitawan nyo ako! San nyo ko dadalhin!

“ Ang ingay pala nito Sir….”  Narinig kong may kausap sa cellphone ang lalaking nasa tabi ng bumuhat sa akin.

“ Ok po sir… well take care of her. “  

 

Take care???! Lord! Ayoko pang mamatay…ayoko pa  po talaga!

 

Naramdaman kong umakyat kami sa hagdan at pumasok sa isang elevator. Wala parin akong maaninag. Pagkapasok sa isang pintuan ay ibinaba nila ako at iniupo sa isang sofa.

Nakatali parin ang mga kamay ko at nakapiring parin ako.

Limang minuto ring tahimik sa paligid ko nang may maramdaman akong pumasok sa pinto.

Déjà vu- parang nangyari na to ah.

“ MMMMMhhhhhhhhhhhHHH” Pagiingay ko sa ilalim ng panyo.

“ Shhhh……” Malumanay na saway sakin ng lalaking pumasok. Tumaas naman ang balahibo ko sa leeg.

Umupo ang lalaki sa harap ko at huminga. Ramdam ko sa ilong ko ang paghinga nya dahil sobrang lapit lang nya sa akin.

Maya maya pa, naramdaman kong tinatanggal nya ang takip ko sa bibig.

Pagkatapos nun ay ang tali ko sa kamay.

“ Anong kailangan mo sakin! “ Bungad ko agad nang nakapagsalita na ako.

Imbes na sumagot, hinalikan ako ng lalaki sa noo. Namula ako. Matapos nun ay tinanggal nya ang piring ko sa mata.

Nawala ang lahat ng takot at galit na nararamdaman ko.

Dahil ang nakikita ng mga mata ko…ay ang taong gusto kong makita kanina pa…

“King?”

 

“ Hi Princess. “

 

Umiral na naman ang pagiging bayolente ko at sinuntok ko sya sa balikat.

 

“ Anong problema mo! Bakit kailangan mo akong kidnapin! “

 

“ Sorry…ito lang ang alam kong paraan para makasama ka tonight…Did I scare you? ”

 

“ Oo!……….”

Di ko na nadugtungan pa ang sasabihin ko. May kakaiba sa mata ni King ngayon. Its glowing in an emotion I can’t comprehend. And it makes my heart beat faster.

"Players Academy"  COMPLETED❤ ( editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon