Special Update 4

222K 4.1K 715
                                    

dito nalang A/N ko ah :))


Una sa lahat, PAKI LIKE MUNA YUNG EXTERNAL LINK! please? hahaha dapat manalo ang section namin dito! hanggang sa August 28,2012 pa yan (tuesday yun) sana i-like niyo :)))

please lang pala! hwag na kayo magcomment sa photo. mag like nalang. hwag niyo na icocomment pa ang username ko. please? sana wala akong mabasa doon na, done na ate aril. kung hindi di na ako mag popost ng SUD ulit. hindi kasi alam ng mga kaklase ko.

salamat po (__ __)

saka nag update din ako gawa niyan, nagpromise ako e.

pangalawa: pansin niyo hindi siya naka private kasi nakakatamad din magbigay ng link pag niprivate ko. ngayon pag hinanap niyo yung tatlong Special UD ang link ay nasa wattpad account ko. sa description, kelangan naka-fan to read.

pangatlo: i-vote kung natripan niyo. magleave ng comment kung gusto niyo. basta ako masaya kong nagbabasa ng comments XD

pang-apat: MAG-ENJOY sana kayo. sorry kung di niyo man ito matripan. love love

PAKILIKE ANG EXTERNAL LINK! hanggang AUG 28 yan! salamat :*




Special Update 4

 

 

 

                Madaming tao ang naglalakad. Mga estudyante, magsing-irog, pamilya at kung sinu-sino pa. Dito matatagpuan din ang iba’t-ibang shops kung saan halos may hawak na paperbags ang mga taong lumalabas mula sa mga boutique. Halos lahat ng makikita sa mall na ito ay nakangiti at parang walang pangamba maliban nalang sa mag-asawa na kasalukuyang hinahanap ang kanilang nawawalang anak.

“Sabi ko naman kasi sayo bantayan mong maigi Lance!” sambit ng nag-aalburutong si Miyuki :p

“Hindi ko nga napansin na nawala sa tabi ko!”

“Bah naman e! Ipa-page na kaya natin? Baka kung mapaano siya” suhestiyon niya na may halong pag-aalala sa kanyang boses.

Sa kabilang banda, tuwang-tuwa at halatang namamangha ang tila kanina pang nawawalang bata sa mga nakikita. Siya ay may tangkad na 3’28”, maputi, nakatali ang kanyang buhok at nakasuot ng blue na bestida na may nakaimprentang mga bulaklak na tinernohan ng puting leggings at saka kakulay na sandals.  Tuwang-tuwa siyang naglalakad at tila walang pakialam sa mga taong napapatingin sakanya dahil na din sa kanyang ka-cute-an at tila mala-anghel na mukha.

“Should I go this way?” turo niya sa kanang bahagi niya gamit ang kanyang kaliwang kamay sabay lingon ng ulo niya “or this way?” turo naman siya sa kabilang direksyon gamit ang kanyang kanang kamay na dahilan para magform ng ekis ang kanyang mga braso at muling paglingon sa kabilang direksyon.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon