HTLAB2 - Chapter 4

42.7K 760 90
                                    


-

Gone

-

Everything seems so wrong. Lahat ng bagay na inaasahan kong makukuha ko rin sa tamang panahon at sa matyagang paghihintay ay nalulusaw na ngayon. Yung tipong kaya ko pa sana maghintay pero wala na pala akong mapapala. Napangiti ako ng mapait. Gusto ko lang naman makuha ang isang lalaking tulad niya. I want men to be like him. I want a man to love me just like how he did love me eleven years ago.

Did. Past tense. Isang malaking sampal na lahat ng iyon ay naibaon na niya samantalang ako ay kumukuha palang ng pala at ngayon palang maghuhukay ng lupang maibabaon sa malalim na sugat na naiwan niya.

I managed to show him my biggest smile yet a fake one. I shouldn't let him see my pain. I shouldn't let him know that I'm still suffering . I shouldn't let him know that I still have this deep feeling only for him . Ayokong magmukhang mas tanga pa sa katangahang inaakusa ko sa aking sarili . Ayokong magmukhang kawawa kahit alam kong ako rin naman ang may kasalanan nito . Ayokong dumating sa puntong iyon .

Ito na lang ang magagawa ko. Ang tanggapin ang masakit na katotohanan. Truth definitely hurts. This revelation brings me to my end. A realization causing me to push myself far away from him. It's no good to be near him. Bukod sa alam kong mamahalin ko lamang siya ng mamahalin ay isang malaking kasalanan ang lumampas sa linya ng pagiging isang estranghero sa isa't-isa. Yes, sa tingin ko ay hanggang doon lang. Kahit pagkakaibigan ay ipagkakait ko na sa sarili ko. Kung tatanungin niyo ako kung bakit, isa lang ang isasagot ko. A lover can never be my friend. That will be too awkward for the both of us. Kakawawain ko lang ang sarili ko dahil mabibigyan lang ako ng pagkakataong mapalapit sa kanya at mahulog sa kanya ng paulit-ulit. Pagkatapos ay hindi naman niya ako masasalo dahil kasado siyang tao. Masasaktan lang din ako.

Truth sends me to hell yet I'm trying to fly with my burnt wings and get myself save from the flame. Kaya ko pang indahin ang mga natamo kong sugat at paso. Kaya ko pa. Kaya ko pa 'to . Sana .

Tumango ako at pinanatili ang ngiti sa mga labi ko. Binaling ko ang aking paningin kay Kris na kahit mukhang nanghihina ay kumikislap na ang mga mata habang nakatingin at nakakapit sa ama. Tumikhim ako.

"Can we talk on private?" Damn it, Anne. Wrong choice of words! Muli akong tumikhim at diretsong tumingin kay Cyfer. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. "I mean, about Kris' condition. . ."

Hindi dapat marinig ng bata kung gaano na kalala ang sakit niya. That'll make the child depress and frustrated. Hangga't maari ay pribadong pag-uusap ang magulang at ang doktor ng bata. Iyon ang dinidepensa ng utak ko.

Iyon nga lang ba, Anne? Singit naman ng pesteng puso ko .

Huminga ako ng malalim . Muntik na akong mapasinghap sa klase ng pagtitig niya sa akin . Umiwas ako ng tingin at bumaling kay Kris na muling yumakap sa kanyang ama .

"Daddy , am I not allowed to hear what will the doctor say?" nanghihinang bulong nito sa ama .

Ngumiti si Cyfer sa bata at hinaplos ang buhok nito . Hinalikan nito ang noo ni Kris .

Parang nanikip ang dibdib ko sa aking nakita. Kahit nasasaktan ako, hindi ko na magawang iiwas ang aking tingin. Nahihirapan ako, oo. Pero nakakatuwa silang tignan. Kung hindi kaya kami nagkahiwalay, may anak na rin kaya kami? Kasing laki na rin kaya siya ni Kris?

Shit! Stop it, Anne. Huminga ako ng malalim. I blinked twice. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.

"Son, it's not like that. You won't understand-"

How To Love A Bastard ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon