Pilipinas. Tayo nang Kumilos Para sa Kaunlaran -apcarandan27

19.6K 24 18
                                    

Ni Arthur Philip Pacia Carandan

Sa mga nakaraang administrasyon na hindi ko alintana ang tungkol sa pag-unlad sapagkat napakamuwang ko pa lang noon. Ngunit habang tumatagal na ang kalagayan ng bansa ay bumubulusok nang dahil sa mga isyung kinakaharap nito laban sa administrasyon dahil na rin sa tindi ng katiwalian sa bansa ng mga ganid na opisyales ng gobyerno na nagpahirap sa bansang Pilipinas na nakaapekto sa pagbagsak ng ekonomiya. Alam nating gumagawa ng paraan ang gobyerno para maiahon ang bansa sa kahirapan subalit kulang. Hindi pa rin sapat sa paningin ng taumbayan ang ginagawa ng gobyerno. Katunayan nga may mga panukalang inilalahad ng gobyerno para sa kaunlaran, subalit pilit na iniluluwa ng iba ang mga panukalang ipinapakain sa mamamayan. Paano pa ba tayo uunlad ang kung tayo mismo ay hindi iibo at iaasa na lang ang lahat sa gobyerno? Gaya nga sa kasabihan: “Huwag mong isipin ang GINAGAWA ng gobyerno sa IYO, bagkus ang isipin mo ay kung ano ang MAGAGAWA MO sa bansa.”  Oo, bilang mamamayan sa bansang Pilipinas ay may magagawa tayo. Dahil may responsibilidad tayo sa bansang Pilipinas. Huwag tayong magkibit balikat at magpa-easy-easy at hintayin ang bawat aksyon ng gobyerno. Isipin mo kung ano ang magagawa mo sa bansa. Wala kang karapatang magreklamo dahil wala kang ginagawa para sa kaunlaran. Mayroon kasing iba na nagrereklamo na agad, lumalabag at komokontra sa gobyerno. Walang mangyayaring pag-unlad kung ganyang tulad sa mga talangka ang ugali. Walang aasahang kaunlaran sa bansa. Sapagkat sa pamamagitan nila ay hinihila nila pababa at pinipigilan ang pagbabago at pag-unlad. Masakit mang isipin, pero totoo. Ngayon pa’t patung-patung na ang problema ng bansang Pilipinas lalo na sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya na konektado sa kalagayan ng bansa at hanggang sa ang taumbayan ang mahihirapan at papasan ng lahat ng iyon. Gusto mo ba yun? Kung ayaw mo nun, nandyan ang gobyerno, niluklok natin sila, at pinagkatiwalaan dahil alam nating gagawin nila ang kanilang tungkulin sa kanilang maging serbisyo sa ating mga mamamayan. Bilang bumubuo ng komunidad sa ating bansa ay may bahagi din tayo para sa kaunlaran. Nandyan na rin ang mga panukalang inilatag nila para sa atin. Ano ang magagawa mo sa bansa? Ako. Simple lang. Susuportahan ko ang mga panukalang alam kong para sa ating kapakanan. Para sa ikakabubuti ng ating pamayanan. Tulungan natin ang gobyerno sa kanilang mga adhikain sa simpleng pagkilos. Ako? Naghahanap pa ako ng maitutulong ko sa gobyerno. Handa akong tumulong sa gobyerno para sa ikakaunlad ng ating bansang sinilangan. Kung hindi tayo kikilos? Kailan pa? Paano tayo uunlad kung hindi tayo kikilos para sa kinabukasan ng ating bansa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pilipinas. Tayo nang Kumilos Para sa Kaunlaran -apcarandan27Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon