SDTR: Kabanata 2

282K 4.7K 452
                                    

SDTR: Kabanata 2

Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay dahil hinihintay pala ako ni Mama, tumungo muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Pero napatigil ako dahil naalala ko sila Jenica, hindi ako nakapag paalam sakanila kaya naman nitext ko nalang kaagad sila.

Pagkabalik ko sa sala nakaupo na doon si Mama. "Mag isa ka lang umuwi? Ang sabi ng Tito mo kasama mo sila Jenica?" Usisa ni Mama, namamaga ang mata niya at halata talagang umiyak siya.

"Ah, nauna lang po akong umuwi." Sagot ko sakanya, tumango siya saakin. Huminga siya ng malalim bago nagsalitang muli.

"Nagkausap na kami ng Papa mo." Simula ni Mama, tinignan ko lang siya at mukhang masasabi kong punong puno ng sakit ang mga mata niya.

"Nagpasya kami ng Papa mo na hindi maghiwalay." Nanlaki ang mata ko, mayroong parte saakin na natutuwa ako at mayroon din na naiinis ako.

Natutuwa ako dahil masasabi kong buo la rin ang pamilya namin, pero naiinis ako dahil alam kong may bahid na ng kasinungalingan ang pamilya namin.

"Sa Malaysia na tayo titira Claire, naaprubahan na ang kasi yung permission paper ng mall natin doon." Sabi ni Mama, matagal nang pangarap ni Mama na magkaroon ng sariling shopping mall, at ang Malaysia ang napili niyang lugar para doon gawin ang business namin.

May mall din naman kami dito sa Pilipinas yun nga lang pagmamay ari iyon ng Lolo ko, hindi matatawag na pag mamay ari ni Mama.

Nagtulungan si Mama at Papa para matupad yung pangarap niyang iyon, elementary palang yata ako ay pinag paplanuhan na nila ang mga kailangang gawin sa mall na iyon kaya naman nakailang beses na akong pabalik balik sa Malaysia.

"Pero Ma, ayokong tumira doon." Pagtanggi ko, ayoko talaga dahil para saakin mas masaya pa rin dito sa Pilipinas.

"Pero anak, ito lang ang paraan para maayos natin ang gusot sa pamilya natin. Kailangan nating magpakalayo." Paliwanag ni Mama, hinawakan ko ang kamay niya at umiling iling ako.

"I'm sorry Ma, ayoko. At isa pa, hindi ko rin alam kung makakaya ko pang harapin ulit si Papa. Masama mang pakinggan pero Ma, namumuhi kasi ako sa ginawa ni Papa sayo." Litanya ko, halatang nagulat si Mama sa isinagot ko.

"Maiintindihan kita Ma kung sasama ka kay Papa sa Malaysia, mahal mo si Papa, naging saksi ako doon. Dito nalang ako, gusto ko rin namang mapag isa, masyadong maraming nangyari sa pamilya natin nitong nakaraang linggo." Sabi ko kay Mama.

Ewan ko, hindi ko alam pero sobrang nasaktan kasi ako nang makita ko kung paano umiyak si Mama nang dahil sa ginawa ni Papa. Pero ngayon kasi, gusto ko man pigilan si Mama sa desisyon niya, nakikita ko naman sa mata niya yung kaisyahan at pag asa niya na mabuo ulit ang pamilya namin, na para saakin ay hindi ganun kadali.

__

Inilibot ko muna ang paningin ko dito sa buong bahay namin sa Manila, dalawang araw na rin ang lumipas magmula nang umalis sila Mama at Papa patungo sa Malaysia, 3 years? Hindi biro na mapahiwalay ako sakanila ng ganoong katagal.

"Sisteret nasaan ka na ba?" Bulyaw ko kay Ara mula sa cellphone, best friend ko siya. Nakilala ko siya nung pasukan nung first year college kami, masyado siyang matalino kaya naman natutuwa ako sa mga opinion niya sa tuwing may debate sa classroom.

"Malapit na, sigurado ka ba Claire na okay lang sa parents mo na diyan ako titira sa bahay niyo?" Pag aalala niya, huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Ano ka ba sisteret, oo naman. Saka ako lang naman ang tao dito, saka h'wag ka na ngang mahiya diyan, bawas na rin ito sa gastusin mo." Paalala ko sakanya, masyadong mapagmahal itong si Ara sa pamilya niya, lahat ng mayroon siya hangga't kaya niyang ibigay, ibibigay niya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon