Special Chapter 1

16.3K 494 147
                                    

sorry kung ngayon ko lang napost yung special chapter. Kakatapos lang ng exam namin eh. huehue 

Special Chapter 1

(Althea Kim POV)

"Maine! Normal lang ba na maging excited at kabahan at the same time?" tanong ko sa bestfriend ko na busy sa kakatingin sa salamin.

"Normal lang na maramdaman mo ngayon yan bess! Sino bang hindi kakabahan at maging sobrang excited sa araw ng kasal nya diba?" aniya habang nakatingin pa rin sa salamin. Bumuntong hininga ako at tumingin nalang din sa salaman. Kasalukuyan akong inaayusan ng isang makeup artist ngayon. Today's my wedding day and sobra akong kinakabahan. 

"Relax ka lang ateng! Wag kang kabahan! Sayang ang beauty mo!" biglang sabi ng makeup artist sakin. Ngumiti nalang ako sakanya at tumango. 

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na ako kay Yeol. Hindi ko akalaing sa huli pala ay sa simbahan rin ang bagsak naming dalawa. Sobrang bilis ng panahon. Parang kelan lang nung una kaming magkita doon sa street sa Pinas. Yung pagpapanggap namin bilang magboyfriend at maggirlfriend. Sobrang bilis talaga. Tapos ngayon nga ay ikakasal na kami. Ang hirap paniwalaan. Pero sobrang saya ko. Kasi sya na talaga. Sya na talaga yung makakasama ko hanggang sa tumanda na kaming dalawa. 

Knock Knock

Natigil ako sa pagiisip ng biglang may kumatok sa pintuan kung nasaan kami ngayon. Tumayo si Maine sa kinauupuan nya at pumunta sa may pintuan pero hindi nya binuksan.

"Sino yan?" tanong nya

"Ah Maine! N-Nandyan ba si Althea? P-Pwede ko ba syang makita?" lumakas ang tibok ng puso ko ng malaman kung kaninong boses iyon.

"Chanyeol oppa naman! Alam mo bang bawal magkita ang groom at bride bago sila ikasal? Hindi matutuloy ang kasal nyo pag nagkita kayong dalawa!" sabi naman ni Maine

"Ganon ba? P-Pero kasi gusto kong makita si--" hindi na pinatapos ni Maine si Yeol

"Bahala ka Oppa! Hindi matutuloy ang kasal nyo sige ka!" panakot naman ni Maine sakanya

"Aissh! Fine! Sabihin mo nalang kay Althea na mahal na mahal ko sya ang I can't wait to see her." sabi ni Yeol pagkatapos ay umalis na yata sya. Bumaling naman sakin si Maine at ngumiti.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ni Chanyeol oppa diba? Gosh bess! Hanggang ngayon kinikilig parin ako sainyo!" ngiting ngiti sabi nya. Tumawa nalang ako at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin.

Dating Park Chanyeol (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon