Mr. Nice Guy

1.6K 89 76
                                    

"PUWEDE bang pakihinaan 'yung music mo?" malumanay na tanong ni Raffy.

Ngunit tila hindi siya naintindihan ng kausap. Wala kasi itong ibang naririnig kundi ang tunog ng earphone nito. Kaya tanging pagbuka lang ng bibig n'ya ang sinusundan ng tingin ng dalaga. Nag-mouth pa ito ng, Ano 'yon?

Napasinghap siya. Isang buga ng hangin at inulit niya ang kaninang sinabi. "Ang sabi ko baka p'wedeng hinaan mo ang tugtog mo!" pasigaw na niyang tanong.

At nang tila wala talagang naiintindihan ang dalaga ay walang sabi-sabing pumasok si Raffy.

"Hoy! Hoy... saan ka pupunta!" gulat na tanong ng dalaga sabay sunod sa kanya papasok.

Tinungo niya ang component at hinugot ang kurdon. Buhat noon, bigla ay tumahimik ang paligid.

"Aba at... hoy! Anong ginagawa mo!" nakangusong sigaw ni Kendra.

Pero nakalapit na siya rito. Hinugot rin niya ang nasa tenga nito at hinagis iyon sa kama. Tila napatid na talaga ang pisi ng binata.

Dahil dito ay lalong nagngitngit si Kendra. "Sino ka ba ha! At bakit ganyan ka umasta? Basta-basta kang papasok tapos kung ano-ano hahablutin mo?"

Imbes sumagot ay hinila ito ni Raffy at dinala sa tapat ng wall clock.

Tila ba't pati ang babae ay hinablot.

"T-teka ano ba!" Halos magpumiglas si Kendra habang matalim ang tingin sa kanya. "Bitiwan mo nga ako, bastos ka ah!" matapang na utos pa nito.

"'Wag kang maarte. Tignan mo!" aniya na pinihit pang pilit ang mukha ng dalaga para makita ang oras. "Ang lahat ng tao sa ganitong oras ay gusto ng magpahinga."

"Eleven na pala!" mahinang sambit nito na napakurap-kurap pa habang nakatitig sa orasan. Mayamaya ay gumilid naman ang mata nito sa kanya at tinikom ang bibig. Bakas sa mukha ang pagkapahiya.

Iniwan na n'ya ito.

Pero humarap na muli at nagsalita.

"At p'wede ba sa susunod mag-decide ka kung stereo o MP3 ang gagamitin mo? Sa ginagawa mo-- nagkakasunog na hindi mo pa alam."

"Sunog! Sunog agad-agad, ha! Talagang sunog agad!" sarkastikong sagot niya. "E, ikaw nga itong bastos. Puwede ka namang kumatok lang! Hindi mo kailangang gibain ang pintuan!" 

Ngunit hindi na siya pinansin pa ni Raffy na nakuha pang ibagsak ang pintuan palabas.

Kasabay naman ng paglabas ni Raffy mula sa unit ni Kendra ay ang pagsasara ng pintuan ng mga usiserong kapit-kwarto nila.

Dire-diretsong naglakad ang binata pabalik sa sarili n'yang silid.

Pagpasok n'ya ay nagbukas na muli ng pintuan ang mga usiserong kapit-kuwarto at nang si Kendra naman ang magbukas ng pintuan ay sila nilang pagsasara na muli.

"Bago lang naman pala s'ya rito. Akala mo kung sino. HMP!" inis na sigaw ng naka-duck face na si Kendra sa bukana ng silid nito habang ang kanang kamao ay naka-angat. Akmang mangongotong. Kung hindi lamang s'ya umalis na agad ay balak siya nitong pektusan.

Tumalon na ito muli sa kama pagka-lock ng pintuan.

Cute pa naman ng suot nitong ternong pajama na minions. Sarap na sarap na rin ito sa pakikinig ng mga bagong kanta ni Yeng Constantino nang bigla itong bulabugin ng lalaking 'yon.

Ang hindi alam ni Kendra ay ito ang unang nambulabog.

Sinaksak na nito ulit ang earphones sa tenga saka habang nakahiga ay yumuyugyog ang ulo nang nakapikit pero napadilat nang maalala ang nangyari kanina.

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon