07 -The Accusation-

2K 58 1
                                    

NAPATALON si Kisses nang marinig ang pamilyar at malalim na boses. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang palad na lumapat sa kanyang braso. Gumapang ang kuryente sa kanyang balat.

Yumuko siya upang iwasan ang madilim nitong tingin. Sa gilid ng kanyang mga mata ay kita niya ang paraan ng pagtitig nito. Siguradong lagot na naman siya.

"Mara!" sigaw nito.

Halos tumalon siya palayo ngunit lalong humigpit ang kamay nito. Nakakatakot ang sigaw, parang mangangain ng buhay. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang madilim nitong mga mata. Salubong ang kilay at malalim ang kunot ng noo. Sinubukan ni Kisses na muling umiwas ngunit hinuli lamang nito ang kanyang mga mata.

"What's wrong?" ani Mara na papaakyat sa hagdan. Parang wala lang dito ang narinig na sigaw.

"I told you to watch over her," akusa ni Gian.

"Binantayan ko naman. So far, wala naman siyang nadamage sa bahay mo," sagot nito at sumimangot.

"Good God!" eksaheradong bigkas ni Gian. "She almost opened this room," anito at tinuro ang pinto.

"I checked it. Naka-lock, there's nothing to worry," depensa ni Mara.

"We can't be that sure. Nagawa nga niyang magtanim ng bomba at mapasabog iyon nang walang nakaka-alam. Napakadali lang para sa kanya ang magbukas ng pinto."

Napasinghap si Kisses. Laglag ang kanyang panga. Ano'ng ibig nitong sabihin? Ano'ng bomba? Inaakusahan ba siya nito na isang terorista?

Nilingon niya si Mara. Humalukipkip lamang ito.

"You may go, Mara."

"Thank you. Ayoko nang maging babysitter ulit, bye Gian," anito at umalis na.

"At ikaw..." banta nito nang balingan siya. Tumagos sa kaibuturan ng kaluluwa niya ang titig nito. "I have a proposal."

"SA LIIT kong ito, sa tingin mo ba magagawa kong magpasabog ng bomba? Joke ba iyon?" reklamo ni Kisses matapos marinig ang buong detalye.

He was accusing her of a crime that she didn't even commit. Ni sa imagination ay hindi niya iyon kayang gawin.

"You're in love with Tristan. Sino pa ba'ng gustong sumira ng engagement party kundi ang obssessed sa kanya," umiiling nitong konklusiyon habang prenteng-prenteng nakaupo sa couch.

Samantalang siya ay kanina pa nagpapabalik-balik sa paglalakad at hindi mapakali. "Saan mo napulot ang ideyang iyon? Paano mo nalaman na crush ko si Tristan?"

"I've known Tristan since forever, Khryzzanne. Marami akong alam," ngisi nito.

Kung hindi lang siya nagtitimpi, kanina pa niya ito nasapak.

"Well, I guess, you don't know everything. Hindi ako ang may kagagawan."

"Bakit ka tumakas sa crime scene?" mapanuri ang mga matang pinasadahan nito ang kanyang kabuoan. Nanunuya ang tono ng pananalita.

Tinitigan siya ni Gian, tila naghihintay ng sagot. Umiwas siya ng tingin. Iyon ang isang bagay na ayaw niyang pag-usapan.

Hindi niya masasagot ang tanong. "Hindi ako umalis dahil sa pagsabog."

"You can't even look at me in the eye. What are you hiding?"

Sinalubong niya ang titig nito. "Wala akong kasalanan."

"Let's make a deal then."

"Deal?"

"Prove me wrong. I'll help you clean your case. Besides, it is safer here. Maraming naghahanap sa iyo, Khryzzanne. Maraming-marami."

Ibinagsak niya ang katawan sa couch. Bumigay na ang kanyang binti. Isa pa, gulong-gulo na ang isip niya, nakapanghihina ang mga titig na iyon ni Gian.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon