Chapter 21

28.7K 841 133
                                    

Magkahalong gulat, kaba at pagkaalarma ang naramdaman ni Richelle nang makita sina Sherrie at Eunice na may ginagawang isang bagay na hindi niya iniexpect—ang maghalikan in public.

Bago pa man siya mapansin ng mga ito, hinila na niya agad si Zenn paalis sa gitna ng dance floor at sa isang poste sila pumwesto para magtago.

“Hey! Why? What’s wrong?”

“Si—sina Sherrie at Eunice! Nandito rin sila!”

“Those bitches? Where are they?” Nilingon-lingon ni Zenn ang buong bar at hindi rin nagtagal ay nakita na niya ang mga ito. “Holy shit!” Reaksyon nito nang maabutan niyang naghahalikan pa rin ang dalawa ngunit maya-maya pa ay bigla itong natawa. “I knew it! What did I told you?”

Hindi alam ni Richelle ang ire-react niya. Baliw na baliw si Sherrie kay Shane pero pumapatol din naman pala siya sa kapwa niya babae. And worst, ang best friend pa niyang si Eunice iyon!

“Sabi mo si Eunice lang ang lesbian… eh bakit si Sherrie ang kahalikan niya?”

“Well Sherrie looks drunk so baka hindi siya fully aware sa ginawa nilang magkaibigan.” Sabi nito at ilang sandali pa ay may kung ano namang pumasok na ideya sa utak ng binata at kinuha nito ang cellphone para kuhanan ng picture ang ginagawa ng dalawa.

“Para saan yan, Zenn?”

“It’s payback time.” Sabi nito with an evil smirk on his face.

Kahit hindi naman sabihin, parang alam na rin ni Richelle ang gustong gawin ng boyfriend. Baka gamitin nito ang picture na yun para pam-blackmail o pangganti sa ginawa ng mga yun sa kanya.

At wala siyang balak sawayin o pigilan si Zenn sa kung ano man ang binabalak nito. Ngunit sa ngayon, isa lang ang sigurado niyang gusto na niyang gawin. “Kung tapos ka na, ang mabuti pa umalis na rin tayo rito, Zenn.” Nag-aalalang sabi niya at saka kumapit sa braso ng binata.

“Kung natatakot ka na baka may gawin na naman sila sayo, hindi ka dapat mag-alala. Nandito ako, poprotekta sayo.”

“Hindi yun, Zenn. Ayoko lang ng gulo.” Bukod pa roon, hating-gabi na rin kasi. Dala ng pagod pati na rin ng kaunting tama ng nainom niyang alak, sumisigaw na ang katawan at isipan niya ng pahinga.

Mukhang naintindihan din naman ito ni Zenn kaya hindi na ito nakipagtalo pa. Nagsimula na silang maglakad, nag-iingat na huwag makita nila Sherrie at Eunice, at sabay na umalis dun sa bar.

Pagdating nila sa labas, “Hintayin mo na lang ako rito, Iche. Kukunin ko lang yung sasakyan.”

Dalawang tango ang itinugon niya at saka na pinanood na patakbong umalis si Zenn papunta sa malaking parking area ng bar. Kapansin-pansin na marami nang sasakyan ang naka-park doon ngayon. Kanina lang kasi noong bagong dating nila ay kakaunti pa lamang ang mga sasakyan pero ngayon, ‘di na matanaw kung saan talaga sila nakapag-park.

Psycho's Love Interest ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon