Chapter 10-The Yearbook

35 3 6
                                    

10

"Sige, Ate Sophia, aalis muna kami a!"

Parang temporary akong nawala sa Inn at lumipad sa isang mundong ako lang nakakalam--nagkakatotoo nabang Alien ako? Ano na bang nangyayari sa akin? 

"Ah-eh sige. Ingat kayo a", ngiti ko sa kanila. 

"Ayos ka lang ba Sophia? Nakatulala ka lang kanina", pag-aalala sa akin ni Riel. 

"Ah, hehe, Ayos lang ako", palusot ko sa kanya. 

Ewan ko din kung anong nagyari sakin. Ito kasing si Riel, nakakabigla paminsan. 

Umalis muna ang mga guests namin, kaya naman pumunta muna ako sa kwarto ko. Sabi ni Riel, aayusin nalang daw niya yung mga flowers sa labas. Naisip ko na ring maghanap ng isusuot kong damit para sa reunion. 

Puro t-shirt at pants nalang ang nandito kasi yung iba kong dress pinagbenta ko na. Hay nako naman. Sinubukan kong maghalughog ng gamit ko ng may bumagsak sa paa ko--

"Aray!", napasigaw ako. 

"Sophia!", naririnig ko ang mabilis na pagtakbo ng mga papa, pagharap ko nakita ko si Riel na hinahabol ang hininga niya, "Ayos ka lang ba?"

"Nabagsak kasi sa paa ko e", ngumiti lang ako sa kanya, "Ayos lang ako", pinulot ko ang bagay na ito at nakita ko ang Yearbook namin nung Highschool. 

"Ano yan?", tanong sakin ni Riel. 

Tinanggal ko ang alikabok sa harapan nito. "Yearbook namin nung Highschool", ngumiti ako sa kanya. 

"Wow", sabi nalang niya. "Pwede ko bang makita?"

"Oo naman", umupo ako sa sahig at binuksan ang yearbook namin. 

Sa totoo lang, nakalimutan ko na ito, dahil sa dami na rin ng nangyari sa buhay ko. Ngayon ko lang siya bubuksan ulit. 

Sa unang page, makikita mo ang pagbati ng mga teachers at kung sinu-sino pa, pati yung ranking nandon din sa harapan. At tsaka yung mga "Best" na awards na nakukuha kapag graduation. 

"Best in Creative Writing ka Sophia", tumingin siya sa akin. 

Akala ko hindi niya mapapansin, pero napangiti ako ng maalala ko ito. Ito ang naging dahilan kung bakitako kumuha ng Creative Writing nung Highschool ako, "Oo. Nakakatuwa nga e, akala ko wala akong makukuhang award"

"Ang galing mo!", malaking ngiti sa akin ni Riel, pagkatapos naman, "Ang cute mo dito"

"Hindi na ako naniniwala sayo, lahat nalang ng pictures ko sinasabihan mong cute ako", pagdradrama ko sa kanya. 

"E cute ka naman kasi talaga e", tumingin siya sa akin ng nakangiti. 

Riel!! Aatakihin na ako sa'yo!! 

Bigla siyang nagchuckle, "nagpipink ka nanaman Sophia"

"Pwede ba!", madali akong nag-flip ng page at nakarating na kami sa part kung saan makikita mo na ang buong section A. Oo, section A ako nung Highschool. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon