Chapter 5.1

1.7K 52 1
                                    

CHAPTER 5.1

 

Pagkadating namin sa bahay nung young master daw niya. Pinapasok na kagad ako sa loob ng mga maids.

Infairness, malaki ang bahay, maganda, pero mas malaki pa din bahay namin. Joke lang po ^___^ V

“Miss, dito po ang kwarto ni young master. Pumasok na po kayo!”

“Ha? Ah. Sige!” Sabay alis nung maid na naghatid sa akin dito sa kwarto nung young master

*Toktok*

WOW. Automatic yung pinto? Kusang nagbukas. Ang galing gusto ko din nan.

Pagkapasok na pagkapasok ko.

“IKAW ANG TUTOR KO?”

JOSH’ POV

Nagpi-PSP ako ng may biglang kumatok, kaya kinuha ko kagad yung remote ng pinto ko at binuksan ko.

Pagkabukas ko ng pinto, may isang babaeng, maiksi ang buhok, may salamin, madaming dalang libro, maliit, at payat ang pumasok sa loob. In Short, may isang NERD na pumasok sa kwarto ko.

“IKAW ANG TUTOR KO?” Sigaw ko

“Ha?Ah.Ahm.O-opo” Sagot niya, na parang natatakot sa akin.

Hahaha. Mabait naman ako kaya di niya kailangang matakot. Haha

“Haha. Wag kang matakot, di kita kakainin, hindi ka mukang masarap. Joke lang. mabait ako, kaya wag kang matakot. Di na-ngangain ang gwapong tulad ko!”

“Ha?Ah!”

“Anong pag-aaralan natin?”

“Ahm. Sabi sa akin ni Ms.Brion, mag fofocus daw tayo sa Math,Science,at Stat”

“Ah!”

“Pwede na tayong magsimula?”

“Ha?Ah.OO. pero teka nga muna, bago tayo magsimula, anong tatawag ko sayo?”

“Bahala ka”

“Nerd? Pwede!”

“Tss. Oo!”

“Game na!”

“Ang una nating pag-aaralan ay Math. So sa math, ang pag-aaralan natin ay Word Problems on Angles!”

“Word Problems on Angles? Manok naman yan Nerd!”

“Manok? Sige pasasagutan ko sayo to!” Sabay bigay niya sa akin ng isang papel na may mga tanong.

Ayos. Handa pala talaga tong si Nerd!

ANO TO? TANGINA?

“The Ratio of two complementary angle is 2:7, Find the measures of the Angles”

“Find the measure of the smaller angle if its complement is 30 degree more than four times the smaller angle”

“What is the measure of the smaller angle of two supplementary angles is twice the larger is 10 less than three times the smaller angle”

GIANA’S POV

HAHAHAHA. Kung nakikita niyo itsura nitong si Josh habang binabasa yung binigay ko sa kanya. Tatawa kayo. Haha

Manok pala ha! Pwes sagutan mo yan ngayon.

Puro kasi yabang eh!

JOSH’ POV

Tangina, ano to?

“Nerd, di ko maintindihan to!”

“Tss. Alam mo ba kasi talaga o nagmamayabang ka lang?”

“Alam ko nga! Nakalimutan ko lang!”

“Alam mo Josh, kung hindi mo talaga alam, aminin mo sa akin, tutor mo ko eh, para san pa ang pagiging tutor ko kung hindi mo sasabihin sa akin yung mga hindi mo alam? Kaya nga andito ako eh, para turuan ka sa mga kahinaan mo sa iba’t-ibang subjects. Kaya kung ako sayo, wag kang mahihiyang magsabi kung may hindi ka alam or kung may hindi ka maintindihan!”

“Okay!”

Giana’s POV

Natapos ang araw na yun na isa lang sa mga binigay kong papasagutan sa kanya ang nasagutan namin.

Pano tinulugan ako.

Pero ayos lang, mukang pagod din naman si Yabang eh.

Mabuti naman at naging successful ang 1st day ng pagtuturo ko!

Campus Heartthrob Meets Campus NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon