Chapter 35

183K 4.4K 550
                                    

35.

 Ilang minutes pa akong nagstay sa coffee shop na yun. Hindi din siya umalis. Ilang minutes kaming di nag uusap. Hanggang sa nag order siya ulit ng kape. At mukhang wala na siyang planong kausapin ako. Pero maya maya tumitingin siya sa akin tapos magbubuntong hininga. Hanggang sa di ko na nakayanan ang klase ng titig niya sa akin at hindi na rin ako nakatiis sa katahimikan, tumayo na ako at umalis. Hindi siya sumunod sa akin. Hindi siya humabol. Hindi niya ako tinawag katulad ng ginagawa ng ibang lalaki na gusto talagang makipagbalikan sa mga girlfriends nila.

He didn’t do any of it. Hinayaan niya akong umalis. Hindi ko siya nakitang tumayo mula sa table namin kahit nung nakasakay na ako sa kotse. At naiiyak ako because I longed for him to do it. Na habulin ako pero hindi niya ginawa. AT hindi ko siya maintindihan dahil sinabi niyang ayaw niya akong mag move on yet ayaw niya akong habulin. Ano ang gusto niyang patunayan? Ano ang ineexpect niya mula sa akin?

At dahil sa sobrang sama ng loob napunta ako sa bahay ni Marnie at kinuwento sa kanya ang mga nangyari. I just need someone para making sa akin at kahit papaano lumuwag ang dibdib ko dahil sa pakikipag usap sa kay Marnie. Pero sa pag uusap namin tumatak sa akin ang sinabi ni Marnie.

“Rose, I cannot judge you nor could I judge Jayson. Hindi ako pwedeng mag advice sa’yo kung ano ang dapat mong gawin kasi hindi ko naman alam ang mga nangyari at ang totoong nararamdaman niyong dalawa. Wala ako sa sitwasyon na magadvice kasi isang side pa lang ang naririnig ko. I don’t want to be bias. I don’t want to be judgemental.   Ikaw lang ang makakapagdecide at makagauge sa buong sitwasyon. Ikaw an g mas nakakakilala sa kanya, ikaw ang mas nakakaramdam at ikaw lang ang may karapatang magdecide ng mga dapat mong gawin. But I suggest that you think it over. Pumunta ka sa isang lugar kung saan makakapg isip ka.”

Kaya ito ako ngayon at sinunod ang sinabi ni Marianne. Nagbilin ako sa secretary ko na hindi muna ako magkclinic at tinawagan ang doctor na magiging reliever ko. Kinaumagahan, maaga akong umalis at nagdrive papunta sa isang beach  resort sa Mindoro. Tanghali na ako nakarating at pagdating ko wala masyadong tao dahil siguro off-season. Pero may ilan ilang foreigners na nakita ko na nagsasunbathing sa may beach.

Nag check in ako sa isang cottage na medyo malayo sa hotel ng resort pero malapit sa beach para hindi ako masyadong maistorbo at para makapag isip ako ng maayos. Pagdating na pagdating ko sa cottage nagpahinga agad ako at dala na rin siguro ng pagod sa pagbabyahe, nakatulog ako. Nagising ako mga 4PM kaya naligo ako at nagbihis na lang ako ng white racerback sando and maong shorts tapos tinernohan ko ng white sandals. Plano kong mag night swimming pagkatapos kung matunawan. Pagkatapos kong magbihis  pumunta na ako sa may hotel kung saan andun ang restaurant.

I ordered a light dinner at umupo sa pangdalawang table na nakaharap sa dagat at naghintay ng order ko habang nakatingin sa  dagat. The sun is just starting to set. Tamang tama na pagkatapos kong kumain, lumubog na ang araw at hindi na mainit.

Naramdaman ko ang pagdating ng waiter na naglagay ng mga inorder ko. Hindi ko na tiningnan kasi naaliw ako sa iba’t ibang kulay ng kalangitan while the sun is setting.

“Thank you.” Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. I expected the waiter to go afterwards pero narinig ko ang tunog ng upuan na hinihila at may naupo sa upuan sa harap ko. Bigla akong napatingin at nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Jaysonsa na prenteng nakaupo sa harap ko wearing a white shirt and a maong cargo pants tapos naka shades pa siya. Nililipad pa ng hangin ang kulot niyang buhok. He literally took my breath away. Nakatingin din siya sa sunset na tinitingnan ko o baka sa akin mismo siya nakatingin. I don’t know.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon