Previous Page of 3Next Page

Yours Truly

Dedicated to
foodislove
spinner.gif

 

[PORSCHE ALCANTARA'S POV]

 

"Fafa Ken!" Narinig ko namang sigaw ni Fiona na papalabas ng CR at nakastretch pa ang arms niya para yakapin si kuya ilong. Hay. Ba't ko ba naging bespren ang beking to? Waaaah.

 

"Huy, dali. Yung palagi kong inoorder." Binigay niya yung bayad sa akin. "Keep the change." Nung malapit na makarating si Fiona sa amin ay tumakbo na si Ken papalayo. Nagtakbuhan pa sila ng nagtakbuhan. May nauntog sa pader, may nakayakap ng ibang tao at may natisod sa sariling paa. Ilang minuto pa ay tumigil na din sila sa paghahabulan nila dahil nayakap na ni Fiona si kuya ilong. Wahaha. Umupo si kuya ilong sa usual niyang upuan at bumalik naman si beki sa pagkukuha ng order. Loko talaga 'tong dalawa kong kaibigan. Ang harot!

 

Kinuha ko na ang order ni kuya at pumunta sa kanya..

 

"Ken, eto na oh." Binigay ko sa kanya yung order niyang doughnut at kape.

 

"Thanks. Upo ka muna." Sabi niya sa akin while sipping his coffee. Umupo naman ako. Uto uto eh. Wahaha.

 

Hindi siya umiimik. Iniinom niya lang yung kape niya. Ako naman pinapanuod ko lang siyang uminom. Wala naman akong iinumin eh. Hmm. Gwapo talaga. Pwedeng mag-artista kahit ilong lang kita. Daily routine ko na yatang purihin si Ken dahil sa ilong niya. Kainggit naman kasi eh. Parang minartilyo yung ilong ko sa sobrang pango. De siya na. Huhu.

 

"Paano kung kilala ka pala ni Knight ng hindi mo nalalaman?" Pwe! Nasamid ako sa sarili kong laway. Ano ba namang klaseng tanong yan? Ako? Kilala ng fafa Knight Thompson ko na mamber ng CS2? Imposibruuu.

 

"Okay ka lang?" Tanong ni Ken.

 

"O-oo, oo okay lang. Ano ba namang klaseng tanong yan kuya ilong! Imposible! 3 seconds ko pa nga lang siya nakikita eh. Nakita ko siya noon pasakay ng tour bus nila tapos yun lang. Nihindi nga niya ako napansin noon! Hanggang pangarap ko na lang yung sinasabi mo. Hay naku kuya nababaliw ka na yata."

 

"Baka nga. Baliw na yata ako." Umalis na siya pagkasabi niya nun. Kuya talaga hindi man lang kinain yung inorder niyang doughnut. Umalis na kaagad siya? Edi ako na lang kakain. Nyahaha! Sayang naman. Yaman yaman talaga.

 

*****

 

Katatapos lang ng aming shift sa Java Junction. From 5 am to 10 am lang naman kami dun. Nandito kami ngayon sa apartment namin ni Fiona. Syempre share lang kami no. Hindi kami mayaman. Habang ako ay nagbabasa ng libro about photography sa couch, si beki naman ay busyng-busy sa pagmamanicure at pedicure ng kanyang nails sa sahig. Bongga ng beki niyo no? Daig pa ako.

 

*ding dong*

 

"Bakla, may nagding dong. Buksan mo yung pintuan."

 

"Kaylan ka ba gurl titigil dyan sa ding dong na yan? Sabi nang doorbell eh. Kalerqui ka 'teh!" Tumayo na siya mula sa pagmamani and pedi niya. Syempre mukha siyang bagong tuli kung maglakad dahil masisira ang kanyang masterpiece. Wahaha!

 

Binuksan na niya ang pintuan at nakita namin si manong mail man. "Para kay Ms. Porsche Potter?" Inabot ni manong kay beki ang sulat. Pero binalik naman yun kaagad ni Fiona kay manong habang nakataas ang bonggang kilay niya.

 

"Manong cheverlu, wala namang Porsche Potter dito ah! Porsche Alcantara ho name ng aking bespren!" Reklamo ni beki kay manong. Onga naman. Paano naging Potter ang surname ko? 

 

"Hindi. Ayun siya oh." Tinuro ako ni manong. "May litrato kasi dito. Hindi ako pwedeng magkamali, siya nga etong nasa labas ng liham." Pinakita niya kay Fiona ang liham este sulat. Walanjo. Nahawa na ako kay manong. Kay lalim lalim ng Tagalog. Kala mo siya lang hindi nasakop ng mga Amerikano't Espanol eh.

 

Tinignan naman yun ni Fiona. "Oh my gosh bespren! Para sayo nga itey! Look mo oh, ang pangit mo here." Huwaaat? Pumunta naman ako sa may pintuan at tinignan. Hindi nga si manong nagkakamali. May picture ako sa labas ng letter at talagang pinili talaga nung nagsulat ay yung pangit eh no? Nakapikit ako tapos nakanguso pa. Hay grabe nakakahiya naman sa mga nakakita nitong picture ko. Nak ng tipaklong. =__=

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (13)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

YOURS TRULY 2: From Hogwarts

Cast

Victoria Justiceas Porsche Alcantara
Harry Stylesas Knight Thompson
Zayn Malikas Grey Montero
Louis Tomlinsonas Hiro Sy
Niall Horanas Pierre Valdez
Taylor Swiftas Ceillyn Vergara
Elizabeth Gilliesas Candace Aquino
Eleanor Calderas Jane Galvez
Perrie Edwardsas Natsumi Postrado
Amy Greenas Tanya Esquivel

Recommended

BALIW SAYO ♡ {ON-HOLD} [Editing]Teenage Love Rumble (On-Going)My First Love ღσи ɠσìиɠღReal Shivon o n e s h o t