Previous Page of 2Next Page

Ang gamu-gamo sa lampara

Dedicated to
ishallfall
spinner.gif

A/N: Natatawa ako sa title.. Eh, sa gusto kong gumawa ng short story eh. Anong magagawa niyo? HAHAHAHA. Ewan ko lang kung may connect ang title sa kwento, pagpasensyahan niyo na. Trip ko lang talaga 'to. XD Kung sino mang makakabasa ne'to, goodluck sayo. =)) 

 

___

 

Ako nga pala si Willabelle. Wilbie for short. Ang weird ng pangalan ko 'no? Favorite kasi ng nanay ko ang Will of Fortune, alam niyo naman, habulin ng matatanda si Willie Revillame. Iba na talaga ang taste ng mga matatanda. Uh ew yuck.

 

 

 

Saan nakuha ang -abelle? Kay Annabelle Rama. Guess kasi si Rufa sa Wowowee nung araw na yun kaya nandun din ang kanyang nanay. Tadhana nga naman minsan kapalpak.

 

 

 

Nakakadiri kung saan origin ang pangalan ko 'no? Halatang walang maisip na matinong pangalan.. at lalong halata mo na wala sa pag-iisip ang aking inay nung kinompose niya ang aking kakilakilabot na pangalan. Shet lang.

 

 

 

Oops.

 

 

 

Teka, 5 minutes na akong naghihintay dito ah?!?!?! Anak ng! Napakakupad talaga nung taong 'yun. May nakwento na ako lahat lahat wala pa rin siya?! Nasabi ko na ang origin ng napakatindi kong name. Wala pa rin? Ugh shez. Matawagan nga ulit! Kainis naman oh. I hate waiting!!!!

 

 

 

<Calling: Karin Kulangot>

*kring kring kring kring kring* *dut dut dut* 

 

 

 

Network busy? Uggghhh!! Bakit hindi niya sinasagot tawag ko? Kairita naman oh. Papalapa ko yun sa aso pagdating niya dito. Text ko na nga lang!!

 

 

 

To: Karin Kulangot

Hoy, kulangot. San ka na? Kupad amp.

 

 

 

Nagintay ako ng 30 sec. WALA PA RING REPLY. 

 

 

 

To: Karin Kulangot

Ang tagal mo leche ka. Nandito na ako! Nasan ka na ba?

 

 

 

To: Karin Kulangot

Hoy magreply kang kupal ka. Nasan ka na hoy? Ililibre mo ako ng Sundae at Hamburger dahil pinaghintay mo ako.

 

 

 

*Bzzzzzzt*

Ayun! Nagreply din sa wakas. 

 

 

 

From: Karin Kulangot

Teka. Atat masyado? Nasa tricycle na. Sorry late. HEHE.

 

 

 

To: Karin Kulangot

Pucha tagal mo. Lagi ka namang late badtrep. Basta libre mo ako! Late ka eh.

 

 

 

From: Karin Kulangot

O'na leche. Geh 

 

 

 

HEHEHEHEHE. Free food yeahman!!!! *Banana dance*

 

 

 

After 2 min, nandito na siya. 

 

 

 

"Tagal mo ah! Oh libre mo na me. Burger at Sundae. Thanks, Karin. Labyu."

 

 

 

"Ikaw na bumili! Ako na nga manlilibre."

 

 

 

"Ikaw na. Inantay na nga kita. Mas effort pa nga yung pag-aantay kesa sa pagorder at paglibre sakin." Tapos tinulak ko siya. "Dali na. Take out mo na lang. Sa school ko na kakainin! Excited na ako makita mga sections. Dali."

 

 

 

"PSH OPO BOSS LECHE." Tapos inirapan niya ako at umorder na. HAHAHAHAHAHA hay sarap buhay. Ganyan naman lagi yan at ganito ako lagi. Sanayan na lang. XD Bestfriends eh.

 

 

______

 

 

Naglalakad na kami papunta sa school. Ubos ko na rin ang aking sundae at burger. HO, SARAP BUSOG!!

 

 

 

Nakapost kasi sa bulletin board yung sections. Summer break kasi ngayon, pero magpapasukan na. 4 days na lang. Ngayon na namin titignan kasi nakakatamad makipagsisikan sa 1st day of classes.

 

 

 

Hinahanap ko yung pangalan ko. Nang biglang magsalita si Karin, "Bie nakita mo na iyo?"

 

 

 

"Teka." Nandito na ako sa IV-Aguinaldo. "Hey Kah, eto pangalan mo oh. IV-Aguinaldo." Karin Abido kasi siya. Kaya laging nasa unahan ng list. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa list ng makita ko ang aking kakilakilabot na pangalan. Selvia, Willabelle. 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (4)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended