Chapter | Nine

242 17 0
                                    

Sabrina | Kung darating ang isang umaga na hindi ko na masisilayan ang araw gusto kong waldasin ang huling araw na iyon kasama si Emerson. Kasama ang lalaking pinakamamahal ng buhay ko. Kahit alam kong siya ang mag-aalis ng hininga sa katawan ay mas pipiliin kong mamatay sa kanyang bisig keysa sa kamatayan alam kong pagsisihan ko habang-buhay.

        I need to tell him. Everything.

Lumipas pa ang isang linggo at hindi ko ako makakuha ng tamang tyempo para sabihin sa kanya ang isang masaklap na katotohanan dahil kahti papaano ay takot din akong mamatay at bumalik sa impyernong pinaggalingan ko. Pero mas mabuti nang bumalik doon keysa madamay ang maraming nilalang sa paglabag ni Emerson sa batas ng sandaigdig.

        Narito kami ngayon sa isang park dahil kung sa apartelle ko lang sasabihin sa kanya ang mahalagang bagay na ito ay baka hindi kayanin at himatayin ko. At least narito kami sa labas ngayon at umaasa akong hindi ako mauubusan ng hangin sa'king mga baga.

        "Anong gusto mong pag-usapan?" tanong niya habang pareho kaming paupo sa bench sa ilalim ng puno. Kumuha siya ng cotton candy sa stick na hawak niya atsaka kinain ito. Inabutan niya ako at kumuha naman ako ng kaunti.

        Hope this help.

Huminga ako ng malalim at pinilit kong alisin ang iba pang mga bagay sa utak ko hanggang sa pagtibok na lang ng puso ko naririnig ko.

        "Mukhang seryoso 'yan ah," untag sa'kin ni Emerson.

        "Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula sa sasabihin ko sa'yo. Kung papaano ko sasabihin ang isang masakit na bagay na hindi ka masasaktan o hindi ako matatakot." Alam kong nanginginig ang tinig ko pero kailangan ko pa ng maraming hangin at maraming lakas ng loob.

        "Sabrina..." his voice is very concerned.

        "Just let me finish," ani ko habang nilalabanan ko ang paglaglag ng mga luha mula sa'king mga mata. Tumango siya atsaka ako nagatuloy. "If someday will come and I have to go and never see the sun again I want to go happy without knowing I' dying. Please don't let me know because it will freak me out. Just let me die hap―"

Emerson | "Don't say that," pigil ko sa kanyang bibig gamit ang daliri ko.

Hinawakan niya ito atsaka ibinaba. "I want you to make a promise kahit ka naniniwala sa kapangayarihan ng promise I want you to make one or at least panghahawakan ko Emerson." Nagmamakaawa ang tinig niya at hindi na niya kailangan pang sabihin ng literal na alam na niya ang alam ko.

        It hurts. It's cutting me inside...so deep that I can't breathe.

        "Please?" she begged.

Umiwas ako ng tingin kay Sabrina. Tears are running down to my cheeks. "Sab―"

        "Emerson please?"

Humarap ako at mabilis siyang hinalikan. Ninamnam ko kung gaano kalambot ang kanyang mga labi. Tila bumalik kami sa simula kung saan hindi ko na rin matandaan pero alam kong naging masaya kami sa mga kahapon hanggang sa kanina bago niya sabihin na alam na niya. Alam na niyang darating ang isang umaga na hindi na siya masisikatan ng araw.

        Masakit man na parang binabalatan ang katawan ko habang patuloy ako sa paghinga, "O-oo, pangako," sabi ko na halos pabulong ang tinig ko. Pinunasan ko ang luha sa'king mga mata atsaka lumuhod sa harap ni Sabrina atsaka siya yinakap.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon