hey... I really can't think of any idea for my collection. Whahaha... pasyal ka dito sa isa kong profile ^^
--
Natuto akong maging maramot.
Natutong magsinungaling.
Natutong kalabanin ang mundo.
Natutong maging haling.
Natutong magpakababa.
Natutong sumuway.
Natutong magmakaawa.
Natutong maghintay.
Natutong hindi humikbi.
Natutong maging marahas.
Natutong gumawa ng mali.
Natutong maging malakas.
Natutong saktan ang ilan.
Natutong maging mapait.
Natutong mang-iwan.
Natutong kalimutan ang bait.
Natutong talikuran ang Diyos.
Natutong maging alibugha.
Natutong mawala sa ayos.
Natutong maging aba.
Masakit. Mahirap. Pero sa lahat ng natutunan ko.
Isa lang ang masasabi kong naging tama ako.
Na sa iyong isang sugapa at garapal.
Sa 'yo ko lamang natutunan ang magmahal.
<3
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists