Previous Page of 5Next Page

The Prophesized : Alicia --> Pang-limang Kabanata(On Hold)

Dedicated to
AegyoDayDreamer
spinner.gif

-A/N: dedicated to her..nabasa ko Wizard's Tale niya! And i'm waiting sa BOOK 2!HEHE .Nainspire ako gumawa ng fictional story..bali gaya-gaya?hahah jk.di naman.hehe!

 

 

Pangalawang Kabanata

 

"ano bang problema niyo at tinatawag niyo akong Prinsesa?nagkakamali kayo..i'm going home..nag-aalala na ang mommy at daddy ko! Kaya tumabi kayo or i'll call the police!"pagtatapang-tapangan kong sabi.Pero mukhang di naman sila nanakit kung titingnan.

"Please listen first.hindi kami masasamang tao.Umupo ka muna at ipapaliwanag namin ang lahat."pagmamakaawa niya.

Tiningnan ko siya..at ang mga tao sa paligid.Di naman sila mukhang kidnaper o ano pa man .Pero kahit na ,hindi dapat ako magtiwala hanggat hindi ko sila kilala.Kaya sumang-ayon ako.

 

"pagbibigyan ko kayo at uuwi na ako saamin.Pero pahiramin niyo muna ako ng cellphone."ako

Nagkatinginan silang tatlo at hinugot ng isa ang cellphone sa kanyang bulsa saka binigay sakin.

Dinial ko ang number ni mommy at ni daddy pero cannot be reach.Masama na talaga ang kutob ko sa mga nangyayari.

"mommy..daddy..answer please.. "ako

At tuluyan na akong tumigil sa pagcontact at nagsend na lamang ng mesg. saka binalik ang cellphone sa lalake.

Tahimik lang sila sa at nakamasid sa aking ginagawa.Nako-conscious tuloy ako sa aking sarili.

"Hindi ko macontact sina mommy kaya nagsend nlang ako msg.so care to explain what i've been doing here?" 

"umupo muna tayo Prinsesa Alicia.."yaya sa akin ng babaeng nasa 30 na siguro ang edad.

"salamat"at umupo ako sa isang bakanteng upuan.

Bigla namang bumaba ang matandang kumausap sakin kanina sa kwarto at biglang tumayo ang lahat at nag bow sa kanya?? ano to?? pero hindi ako tumayo sa aking kinauupuan at pinagmasdan lang sila.

"Umupo na kayo."sabi niya sa kanila

"Nais na po naming malaman ng Prinsesa ang mga nangyayari mahal na Hari ,mas mainam kung kayo na mismo ang magsasabi sa kanya "sabi ng isang babae na kasing edad lang siguro ng sinasabing Hari nila..Hari?Prinsesa?sakit sa ulo ang binibigay sakin ng mga taong ito.

 

"sasabihin ko na sana sa kanya kanina ngunit tumakbo siya palabas ng kanyang silid"mahinahon niyang sagot 

"sorry pero naguguluhan lang po ako.sabihin niyo na po ang gusto niyong sabihin at makikinig ako.Gusto ko nang umuwi, nag-aaalala na ang aking mga magulang." sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan silang lahat at ang iba ay umiiling-iling pa.Saka nagsalita ang matanda.

"Alicia,. hindi na ako magpapaligoy ligoy pa..wala na sina Lucia at Rico ,wala na iyong mga magulang.Pinaslang sila ng mga bampirang pumunta sa inyong bahay.Hindi mo ba naaalala?"sabi ng matanda

"anong wala?panong nawala sila?hindi totoo yung panaginip ko!!sino kayo?anong bampira??how did you know my parents? "halos pasigaw kong sagot sa kaniya at nangigilid ang aking mga luha.

"Hindi iyon panaginip apo..alam kong naguguluhan ka..makinig ka muna sa akin.."saka niyakap niya ako.Apo??Hindi ko alam pero nararamdaman kong pagmamalasakit at pag-aalala niya sa yakap niya sakin.Komportable ako at hindi ko alam kung bakit.

"makikinig ako.."sambit ko nalang habang nakayakap siya sakin at tinabihan ako.Saka ulit nagsalita habang yakap parin ako.Hinayaan ko lang ang siya dahil pakiramdam ko,mawawala ako sa aking sarili.

"Kilala ko ang iyong mga magulang dahil siya ay ang aking nag-iisang anak na babae.Marahil tinago na lamang ng iyong mga magulang ang totoong pagkatao nila.Alicia,bampira ang iyong ina..Prinsesa siya nuon ng kaharian na ito.At hindi ito kagaya ng ibang kaharian,ito'y kaharian ng mga bampira sa buong Pilipinas.Dito namuhay ng matiwasay ang mga angkan ng bampira sa bansang ito..Ang iyong ama naman ay hindi kauri namin,ngunit di rin matatawag na isang normal na tao,kundi isang witch..si Rico ang iyong ama,ang tagapagmana ng kaharian nuon ng mga pinakamakapangyarihan na witch sa ating bansa..ngunit minahal nila ang isa't isa na di ko alam kung paano nagsimula..ang pagmamahalan na iyon ay pinagbawal ng batas ng magkabilang kaharian.Kaya sinuway nila ito at nagpakalayo.Dahil malakas na witch ang iyong ama ay ginawa niya lahat para hindi namin kayo mahanap.At nagtagumpay sila .Kaya tinanggap namin iyon pati na rin ang kabilang kaharian .Hanggang sa isang pangyayari noong isang linggo.Pinatay sila ng mga di kilalang bampira,ikaw lang ang natirang buhay sa bahay na iyon , di pa namin alam kung sino ang nag-utos para paslangin kayo,pina-iimbestigahan pa namin.Naiintindihan mo na ba Alicia.?"pagpapaliwag niya sa akin.

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Pangalawang Kabanata

Cast

Seohyunas Alicia
Kyuhyunas Alexander
Siwon as Kristoff
Kang Minhyukas Xavier

Who's Reading

EmbiWitchy

Recommended

Keeping SecretsRoads and Postcodes.im inlove with a human O.o[LONGFIC] Lệ thủy Tinh[End] - Yulsic