Previous Page of 3Next Page

Unofficially Yours

Dedicated to
HaveYouSeenThisGirL
spinner.gif

Chapter 1: Ms. Monday

Do you believe in the significance of a first kiss?

I gave my first kiss to a frog...literally. I was five when it happened. Katatapos lang ng teacher namin na ikwento ang tungkol sa Frog Prince. As a child, syempre I was curious. Too curious that I applied it! Yes, dear people, I kissed a frog. But the aforementioned lucky frog didn't turn into a prince. What a bummer.

Do I believe in the significance of a first kiss? Yeah, because at an early age I've learned a valuable lesson. Bukod sa natutunan kong hindi pala literal na palaka ang tinutukoy ng teacher ko; I've learned that you can't just turn a random frog into a prince. Especially, if he's not the prince destined for you.

So, I promised myself that I won't kiss another frog again. Nangako akong ire-reserve ang second kiss ko for my real prince. Then, why the hell did I kissed him?!

The frog who was disguising as a prince...

-Lara Eloise Cervantes, Ms. Monday

--

“Bes, hindi ko talaga sinasadya.” Paliwanag ni Lara sa best friend niyang si Freesia. “I was drunk, really drunk. You know how heartbroken I was last week – okay, how heartbroken I STILL am.” pagtatama niya nang taasan lang siya nito ng kilay. “But that’s beside the point! Ang point ko lang naman is hindi ko talaga alam.”

“I know, Bes.” mahinahong sagot ni Freesia sa kanya. “Hindi naman kasi kailangang paulit-ulit. It’s okay, move on na kasi.”

Pero hindi maka-move on si Lara. Dalawang beses niyang nahalikan ang boyfriend ng best friend niya since pre-natal days for cheese burger’s sake! Kung sa kanya nangyari iyon at hinalikan ni Freesia ang mahal niya ay baka nasampal na niya ito – after niyang maduwal sa pandidiri. “Pero-”

“Let it go, Lara.” tanging sabi ni Freesia bago pumasok sa silid ng nag-iisang subject na magkaklase sila.

Iginala ni Lara ang paningin sa kabuuan ng Humanities Room bago naglakad papunta sa kinauupuan ni Freesia. Sa dulo ito umupo kaya naman mahaba-haba rin ang ginawa niyang paglalakad. Halos ang lahat ng mata ay nakatingin sa kanya – mapababae man o lalaki. Hindi na lang iyon pinansin ni Lara kahit pa ayaw niyang nakakakuha ng atensyon. Ganoon naman talaga kapag bagong mukha. Tahimik na lang siyang umupo sa tabi ng kaibigan at nangalumbaba. 

She knows how much Freesia likes – no, loves – that jerk. Mula nang makilala nito ang lalaki two years ago ay walang humpay na si Freesia sa pagkukwento kung gaano kagwapo, kabait at katalino ang kanyang prince charming.

Tumawa lang si Freesia sa nakabusangot niyang itsura, "I know Ian. For sure nakalimutan na niya ang incident na ‘yun. Just forget about it, sanay na ako.”

Kung hindi lang malaking kasalanan ang nagawa ng katangahan ko sa’yo, nabatukan na kita, himutok ni Lara sa isip. Sino ba naman ang gustong masanay sa boyfriend na babaero? If she had just known na palaka pala ang nahanap ng best friend niya at hindi prince charming gaya ng press release nito, malamang ay umuwi agad siya from New York just to save Freesia. Tutal nasayang din naman ang three years niya doon para sa wala. Lara was chasing her love, who was also chasing his love, who was running away from her love. Ang gulo! Sa kakatakbo nila, napagod lang sila nang hindi nagkakatayaan.

"Besides, kung tutuusin I should be thankful. Thanks for helping me, Bes.” Nakangiting sabi ni Freesia.

Lara just threw Freesia a confused look. Bakit naman ito magpapasalamat sa nagawa niya? Maliban na lang kung natauhan na ito at naisipan nang walang maidudulot na maganda ang kumag niyang boyfriend. Na malayo sa hinagap dahil halos mapunit na ang labi ni Freesia kanina sa lapad ng ngiti dahil lang sa isang good morning text na halatang GM. Sayang…

“I know that you think my relationship with Ian sucks.” Sabi ni Freesia matapos ang ilang saglit na katahimikan. Nakatingin lang siya sa malayo habang iniisip kung paano ipapaliwanag kay Lara ang sitwasyon. Dahil alam niyang iyon ang gusto ni Lara – explanation. Paano siya, na isang matalino, rational at level-headed na nilalang, ay napapayag na umakto ng ganoon ang karelasyon? “But I know that everything will pay off in the end. Natural na sa lalaki ang mag-explore bago mag-settle down.”

“Hindi mo naman sinabing kalahi pala ni Dora ang kumag na iyon, Bes.” Sarkastiko sagot ni Lara.

Napabuntong-hininga na lamang si Freesia. Kung ganito na ang reaksyon ni Lara dahil lang nangyari last week, paano na kaya kung malaman pa nito ang buong detalye ng relasyon niya kay Ian? It would definitely be a disaster! Nararamdaman niya iyon. Gusto niya sanang hindi na sabihin sa kaibigan ang buong katotohanan (she wouldn’t understand, anyway) pero alam niyang malabo iyon. Lalo na ngayong nagbalik na ito.

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim Jaejoongas Prince Adrian Toralba
Goo Haraas Lara Eloise Cervantes

Who's Reading

Recommended