Previous Page of 2Next Page

Unofficially Yours

Dedicated to
HaveYouSeenThisGirL
spinner.gif

kasi sabik na ako sa kwento ng favorite character kong si Memo Clarkson...nang malaman ko narin kung tama ang theory ko...remember me Ms. Denny? Ako yung nagPM dati ng theory ko regarding sa kwento ni Memo and yung nag-ask kung pwedeng gamitin yung 11 ways...hindi ko pa nagagawa yung story na may kinalaman dun..busy much kasi.hehehe...anyway...thank you for being a wonderful inspiratation ^.^v

Guyzz...sorry nga pala matagal ang post ng chapter 1..di naman kasi kayo nagcocomment >.<...try ko magpost ng chapter 2 bago matapos ang long weekend ^.^v

Dedicated sa pinakanagustuhan kong comment dito ang chapter 3 kaya comment  everyone 

Meanwhile...

READ...

Then COMMENT

--

Chapter 1: First Sight

 

"Ouch!"

Napakagandang "pagwelcome" ang bumungad kay Lara sa unang araw n'ya sa bago n'yang school.

Lara Eloise Cervantes, say hi sa isang bola ng basketball.

"Miss, sorry." sabi sa kanya ng isang lalaki, yung nakatama sa kanya ng bola. "Ayos ka lang ba?"

Ayos lang?

Let us define the word ayos.

Masasabi mo bang ayos ka lang kung kinailangan mong lumipat ng school dahil sa isang bagay na nais mo ng kalimutan? It's not that her school is that great, ang boring nga ng college life n'yang namumutakti ng mga geisha at mga teacher na grabe kung sumipsip sa kanya dahil lang sa kung ano ang apelyido n'ya. Di ba ang saya nun? School na teacher ang nagfifeeling maging pet at mga estudyanteng mukhang everyday foundation day. Super stimulating sa mind.

Ayos ba ang ma-late sa first day mo sa bago mong school dahil lang sa naligaw ka? Sayang ang effort n'yang pagpasok ng maaga. At age eighteen, para paring s'yang batang paslit na walang muwang sa direction...

Correction, kahit bata kaya s'yang iligaw. Ganun ka walang kwenta ang sense of direction n'ya.

And lastly, kasama ba sa definition ng salitang ayos ang gawing basketball ring ang ulo?

...

...

Ang gandang Monday morning nga naman.

"Sa tingin mo mister-" naudlot ang pagtataray ni Lara nang masilayan n'ya ang lalaking kausap. Matangkad, maputi and definitely handsome. "ayos lang."

"Sigurado ka miss?"

Napatango na lang si Lara sa lalaking nasa harap n’ya, matangkad, maputi at gwapo. Definitely handsome, pero hindi ‘yun ang nakapagpatigil sa kanya…

Naramdaman mo na ba yung kakaibang feeling na alam mong first time mo pa lang s’ya nakita pero pakiramdam mo kilala mo na s’ya? Ang weird lang ng nararamdaman ni Lara ngayon, si kuyang nakatama sa kanya ng bola hindi n’ya pa alam ang pangalan pero parang matagal na n’yang kilala. May something eh…may something talaga…yung feeling na safe s’ya sa tabi nito.

“Dalhin ka na kaya namin sa clinic.”

It’s like being introduce to your personal knight. No scratch that…

Pakiramdam ni Lara, she is a fairytale princess meeting her prince for the first time.

 

Ito ba ang sinasabi nilang love at first sight?

 

Wala naman yung proverbial fireworks ah...

 

Ngumiti s’ya kanya yung lalaki at inalalayan s’yang tumayo.

 

Kakaiba yung effect ng ngiti na ‘yun. Napaka-warm. Naramdaman na naman ni Lara ‘yung hindi n’ya mapaliwanag na trust sa lalaking kaharap, na para bang kahit anong mangyari po-protektahan s’ya ng kanyang prince charming…

Shemay! Prince charming? Agad agad???

 

"Tol, magsorry ka rin." sabi n'ya dun sa guy na nasa likod na pala ni Lara.

 

"Why would I? Am I the one who hit her? Am I the blind one who got stupidly hit?"

 

Blind?

Stupid?!!!

Nagpantig ang tenga ni Lara sa mga narinig. Who the hell is that jerk behind her to call her stupid?!

"Excuse me mister." pag-uumpisa na naman n'ya ng pagtataray. Sila na nga ang nakatama may guts pa s'yang manawag ng stupid! "For your informa-"

For the second time naging speechless si Lara dahil sa lalaki. Kung gwapo na kasing matuturing ang kanyang prince charming (makaangkin wagas!), hindi na n'ya alam kung ano pa ang itatawag n'ya sa nilalang sa harap n'ya.

 

Ang ganda ng mga mata...

 

Nakakahumaling titigan...

 

He has the kind of eyes you could lose yourself into. Na sa bawat minuto, may kung anong magnet na nagco-compell sa kanyang titigan nalang ang lalaki sa harap n'ya. May kung anong mischief na itinatago. It seems that it has some kind of magic that traps her soul into its depths, until...

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (6)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim Jaejoongas Prince Adrian Toralba
Goo Haraas Lara Eloise Cervantes

Who's Reading

Recommended