Previous Page of 4Next Page

Yours Truly

Dedicated to
Kpoplovr18
spinner.gif

PWP'S NOTE10 votes and 5 comments bago ko ipost ang next chap. ;)

~~~~~~~~~~

 [PORSCHE ALCANTARA'S POV]

 

"Porsche! Chaka! Nababaliw aketch! May nakita akong panty sa Greenhills then you know kung anez ang design!? Boypren natin! Kabog talaga ang handsomeness ng Chimera S2! Binili ko siya kaya lang hindi kasya sa lola mo ang panty. Kaya sayo na lang. Ingatan mo itey ha? Wag mo papadapo sa libag dyan sa katawan mo! Oh sya. Maiwan na kita bakla ka." Inabot sa akin ng best friend kong beki ang pantyng binili nga niya sa Greenhills sabay punta sa isang table para kunin ang order ng dalawang babae doon. 

 

Bestpren ko nga talaga  yan. Pareho kaming baliw na baliw sa Chimera S2. Tinago ko yun sa bag ko at nagsimula na maglinis ng stante nitong coffee shop. Baka pagalitan na naman ako ng napaka-supladang anak ng may-ari nito. 

 

"Excuse me nga, harang ka sa daan." Speaking of suplada. Andiyan na siya. Palapit na siya sa gawi ko. Hay buhay parang life! Simula na naman ng pagtitimpi ng aking galit.

 

"Good Morning Ma'am Candace." Bati ko sa kanya. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang kuko ko sa paa sabay irap. 

 

Sarap talaga dukutin ang mata nitong amo namin! Kung hindi lang kami nagtatrabaho dito sa shop nila matagal na naming napaslang ni Fiona yang malditang yan! 

 

Woo. Pigilan niyo ako. Pigilan niyo ako! Mapapatay ko 'tong nasa harapan ko! Maghulos-dili ka Porsche! Wag ka papatay ng tao. Ayaw mong makulong diba? Gusto mo pa mapangasawa ang Chimera S2 lalong-lalo na si Fafa Knight Thompson mo!

 

 Woo. Inheyl, exheyl. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.

 

"Ugh, why are you soooo ugly?" Ay tokwa. Alam ko namang pangit ako kaylangan pang ulit-ulitin? Ilang beses niya na bang sinabi sa akin yan? Edi siya na maganda! 

 

Saksak niya sa kanyang esophagus ang kanyang beauty. Arghh!!

 

"Um, sorry?" Sabi ko sa kanya. Di porket maganda at mayaman siya eh kaya niya na akong maliitin. Ay naku. Grrrr.

 

"I said, why are you so ugly? Bingi ka ba?" Inulit niya sa akin. This time magkasalubong na ang kanyang kilay na kala mo ginuhitan lang ng lapis sa sobrang nipis habang nakahawak sa kanyang bag na pagkalaki-laki pero wala namang laman kundi puro make-up.

 

"No ma'am. Pasensiya na kung pangit ako, atleast may respeto sa nararamdaman ng isang tao. Now, may I excuse myself kasi po madami na po ang order ng shop ng magulang niyo." Sinabi ko sa kanya sabay talikod. 

 

Kinuha ko na ang mga orders kay Fiona. Nakita ko naman si Ma'am Candace na hindi maipinta ang mukha. Bwahaha ang sama ko yata? Pero tama lang sa kanya yun. Matapobre eh.

 

"Infairness sis, ang taray mo na ngayon ha! Kulang na lang kainin mo ng buo si Madam Chaka." Bulong sa akin ni Fiona habang binibigay sa akin ng order.

 

"Hey, what's this?!" Napalingon kami ni Fiona kay Ma'am Candace at nakita kong hawak hawak niya ang pantyng may design ng mga mukha ng Chimera S2 or CS2 for short na isa sa mga sikat na boyband sa buong mundo. 

 

Pakielamero talaga ang aming boss. Kainis!

 

"Panty malamang. Oo nga pala, fan ka din ng Chimera S2! Gusto mo 'teh sayo na lang?" Sagot ni Fiona sa kanya.

 

"How many times do I have to tell you na Ma'am Candace ang tawag mo sa akin not 'teh, bakla, loka, or kung ano pa man?! Eew, kadiri naman 'to! Yuck." Binaba na ni Ma'am yung underwear sa ibabaw ng bag ko sabay alis. 

 

Talagang hindi niya nilagay sa bag ko yung CS2 na panty no? Galing naman niya. Sarap talaga taekwondo-hin!

 

"Ate, gawin mo na yung coffees na inoorder ng mga customer. Sira ang aking beauty dahil kay gurlaloo, papaganda lang aketch. Grrr! Jombagin ko yun eh." Pumunta na si Fiona sa CR. 

 

Sinimulan ko na ang paggawa ng mga order. Pagkatapos ko gawin lahat, binigay ko na sa mga customers yung order nila. Bumalik na ako sa may cashier at nag-abang ng tao sa may entrance nitong shop.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (14)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

YOURS TRULY 1: Kuya ilong

Cast

Victoria Justiceas Porsche Alcantara
Harry Stylesas Knight Thompson
Zayn Malikas Grey Montero
Louis Tomlinsonas Hiro Sy
Niall Horanas Pierre Valdez
Taylor Swiftas Ceillyn Vergara
Elizabeth Gilliesas Candace Aquino
Eleanor Calderas Jane Galvez
Perrie Edwardsas Natsumi Postrado
Amy Greenas Tanya Esquivel

Who's Reading

Recommended