[66] Giving Up

453K 10.5K 4.1K
                                    

[66] GIVING UP


3RD PERSON'S POV

"How did it happen?!"

Halos dumagundong ang apat na sulok ng opisina sa galit na boses ni Mr. Rivera, ang ama ni Gail. Ngayon lang nakarating sa kanya ang balitang tumakas ang anak niya. Marahil gusto ni Travis na siya muna ang gumawa ng paraan para mahanap si Gail, pero dahil nabigo ito ay lumapit na ito sa kanya.

"Travis," kumalma ang boses ng lalaki. Napapalibutan sila ng anim na lalaking nakasuot ng black suit. "Why didn't you tell me about it right away?"

"I'm sorry, but I tried to look for her myself first before seeking to you," he explained.

Bente kwatro oras ng nawawala ang unica hija nila. Nag-aalala siya para sa anak. Napahilot siya sa sentido, pagkatapos ay uminom ng tubig. Kailangan niyang kumalma.

"Nag-away ba kayo para takasan ka niya ng ganyan? Parang nung isang gabi lang, na-engage na kayo. Bakit nagkaganito, Travis?"

Yumuko si Travis at napabuntong-hininga nalang. Eversince he flee to Manila, he never let Gail go out alone. Lagi niya itong patagong sinusundan, at madalas niya pa itong nakikitang kasama ni Kurt. Nung una, hinahayaan niya lang pero nung nagtagal, pinipigilan niya na 'to.

"We're okay. I just don't have any idea why she escaped me yesterday."

Idea... Of course, he has an idea but he just did not share it with the boss. Besides, ideya pa lang naman yun, conclusion kumbaga. Hindi pa kumpirmado.

Kumilos ang ginoo at tumayo para lapitan ang main bodyguard niya. Pinagmasdan lang siya ni Travis. Kagabi pa siya walang tulog. Sa katunayan, nagdadalawang isip siya na lumapit kay Mr. Rivera tungkol dito dahil gusto niya ay siya mismo ang makahanap kay Gail. Ayaw niya ng gulo. Umiiwas na siya dito.

"Isa-isahin niyo ang mga airlines na lumipad kahapon. Domestic or international flight. Kailangan nating mahanap ang anak ko," utos ng ginoo.

Tumango ng sabay-sabay ang mga guards at nilisan ang opisina. Only two of them were left in the office.

"Travis, I apologize for my daughter's behavior. You'll get used to her," he assured to him.

Tumango lang ang binata at akmang tatayo na nang may pumasok sa isip niya. Kagabi pa niya naiisip na baka magkasama na naman sina Kurt at Crystal. You can't blame him for thinking so. Palagi naman. Pinasok niya ang gusot na ito, kaya kailangan din niya itong lusutan. Kahit napakakumplikado na ng sitwasyon, kailangan niya itong tapusin hanggang sa dulo dahil yun ang napag-usapan.

He always thinks win-win...

Makikinabang siya, makikinabang din ang karibal niya.

"Mr. Rivera, may I have a request?"

The man stared at him in confusion. "What is it?"

"Can you also track Mr. Lee's location?"

The man gawked at his suggestion, but one thing has came into his mind.

Kurt's secretary....

GAIL'S POV

Phone rings...

Nanunuod kami ng movie ng buong barkada nang tumunog ang cellphone ni Kurt. Magkatabi kami ngayon sa sahig, samantalang yung iba naman ay nakasalampak sa malaking sofa bed.

Pinatay ni Kurt ang cellphone at hinagis iyon sa center table saka siya bumalik ulit sa panunuod. Mayamaya lang ay tumunog na naman ito.

Phone rings...

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon