Chapter 43: Wrong method

1K 41 12
                                    

Nagkasukatan pa kami ng tingin ni Sage bago ako nakapagsalita.

"Anong sabi mo?!"nanginig na ang boses ko.

"Yun ang totoo-"

"Tumigil ka na Sage. Sa tingin mo maniniwala ako sayo?!" Naging defensive ako. Naiinis na ako kay Sage. Naiinis ako sa sinabi niya. Sa ginagawa niya ngayon.

Ang dami na agad tumatakbo sa utak ko. Si Clyde at yung babaeng hanggang ngayon ay hindi ko alam ang itsura. May nangyari sa kanila? Namimilipit na ang tiyan ko at hindi na din ako makahinga ng ayos. Nagbabadya nang tumulo ang luha sa mga mata ko.

May sumisigaw na boses mula sa akin na hindi magagawa yun ni Clyde. Na dapat kumalma lang ako. Na kahit hindi ko man alam ang nakaraan niya pero naniniwala akong hindi niya magagawa yun. Hindi ganun ang nakilala kong Clyde lalo nang hindi ganun ang minahal kong Clyde.

Sinubukang lumapit sa akin ni Sage pero agad akong umatras.

"Hindi kita maintindihan. Kaibigan ba talaga kita? Pinagtatanggol mo ako. Lagi kang nakaalalay sa akin. Binabantayan mo ang mga kilos ko pero minsan iniisip ko kung kaibigan kita bakit mo ako sinasaktan? Alam kong alam mo na madali akong maapektuhan ng kung anu mang may kinalaman kay Clyde. Kayang kaya mo akong saktan ng dahil sa kanya. Bakit mo to ginagawa Sage? Bakit gusto mong sirain kami ni Clyde? Saan nanggagaling yang galit mo sa kanya"

Nakita kong magsasalita si Sage nung nagsalita agad ako.

"Simula ngayon pwede bang wag ka munang magpakita sa akin? Hindi ko kayang makita ang mukha mo dahil sa masasamang bagay na sinasabi mo"

Biglang bumagsak ang mukha ni Sage sa sinabi ko.

"Yun ba ang gusto mo?" napayuko siya at biglang ngumiti "Pasensya na sa pagiging gago ko pero paano..." tumingin ng deretso sa akin si Sage "Paano pag nalaman mo na tama ako? Maaasahan ko bang ikaw ang unang lalapit sa akin at magmamakaawa na pansinin kita?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pinagpipilitan niya parin ang bagay na mali sa paningin ko "Malalang kaso ka na Sage"

Naglakad si Sage at nilagpasan ako. "Alam ko. I am a lost cause, Hannah. Kaya nga alam ko na hindi dapat ako sumuko sayo. Gusto ko wag mo akong bitawan. Nasayo ang gusto kong makuha. Now that I found you I will do anything not to lose you whatever it takes"

Lumabas ng kwarto si Sage at naiwan akong nakatanga dun. Naniniwala akong gawa gawa lang yun ni Sage. Kung may gusto nga siyang makuha sa akin ay alam kong gagawa siya ng paraan para sirain kaming dalawa. Pero kahit na sa malakas kong paniniwala na hindi magagawa yun ni Clyde ay may tanong parin sa isip ko ang hindi mawala.

Bakit naghiwalay si Clyde at si Clare?

Maya-maya lang ay lumabas na din ako ng clinic. Bumalik ako sa may auditorium at pumwesto sa likod ng malaking haligi para tignan ang hinandang sayaw ng JC.Alam kong hindi makakasayaw ng maayos si Clyde kapag nakita niya ang ayos ko ngayon kaya mas magandang magtago na lang ako. 

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon