Chapter Eleven

535 27 33
                                    

Chapter Eleven

A month later

It’s nine o’clock in the evening at kararating ko lang sa bahay galing sa shift ko sa St. Mary’s. Palinga-linga pa ako, tumitingin at hinahanap ang isang partikular na sasakyan ngunit wala akong makita. I guess hindi niya ako pupuntahan ngayon. Disappointed kong naisip. Pero sabagay naman kasi, Luke is a cop. Malamang busy ‘yun ngayon doing stuff that would make the streets safe.

Pilit kong iwinaksi ang disappointment na nararamdaman ko. Hanggang sa mabuksan at makapasok ako sa loob ng bahay ay ‘yun pa rin ang iniisip ko. Trying to comfort myself.  Kaya naman ‘ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ko siyang komportableng nakaupo sa aking sofa ‘nung binuksan ko ang ilaw.

“Jesus Christ, Luke! You frightened the living shit out of me.” Muntik-muntikan na akong atakihin sa puso nang dahil sa kagagawan niya. “Ano bang naisip mo’t ginulat mo ako ng ‘ganun?” I asked him, my hand still clutching my chest.

“I didn’t startle you. Ikaw ‘tong parang nakakakita ng multo sa ating dalawa.” Seryosong saad nito. I narrowed my eyes, nag-iisip kung papaano siya nakapasok sa loob ng bahay ko. Umakyat ba siya kaya siya nakapasok sa loob?

“At papaano ka nakapasok sa loob ng pamamahay ko?” tanong ko pa. Wala talaga akong maisip na ibang paraan kung papaano siya nakapasok unless..

At naging tama nga ang hinala ko. Bilang sagot sa aking tanong ay may kinuha siya mula sa kanyang bulsa. Isang key ring kung saan nakalagay ang susi ng bahay ko. “Now, come here.” Utos nito.

“Where’d you get that?”

“I’d tell you when you get your ass in here. Now. Come. Here.”

Tila naman wala akong narinig sa sinabi niya. Hindi ako gumalaw mula sa aking kinatatayuan at lalong naningkit ang aking mga mata. At dahil nga hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko, he’s not happy.

“Bee, babe. I’ve been waiting for you to come home for almost an hour. Instead of just standing there and glare at me, why don’t you haul your fancy ass in here so I can kiss you.”

Oh. My demeanor soften ‘nung narinig ko ‘yun. Pero hindi ko rin pinalampas ‘yung pagtawag niya sa akin ng fancy ass kaya ‘di ko ‘yun pinahalata. I stood my ground.

“I’m not a fancy ass.”

“Babe, you have a fancy ass.” He retorted. Damn.

“Well, I don’t have a fancy ass.” Pagkaklaro ko sa kanya.

“Babe, are we gonna fight over your fancy ass or you’re gonna move that ass in question in here so I can kiss you?”

Damn. That sounds promising.

“Fine.” Sagot ko habang padabog na naglakad patungo sa kanya. Don’t get me wrong, I would want him to kiss me pero minsan gustong-gusto ko talaga siyang sakalin. And every time na maiinis ako sa kanya, he would find it cute kaya mas lalo tuloy akong naiinis sa kanya.

As soon as I planted my “fancy ass” on the sofa ay agad niya akong hinarap and hold my nape. He then slanted his head, his mouth kissed mine.

At kagaya na lang ng mga nakaraang araw, hindi ko na siya natiis kaya’t I found myself responding to his kisses. Napasinghap ako when he started to stroke the side of my breast and I felt my nipples getting hard.

 Sinamantala naman niya ang pagsinghap kong ‘yun para lalong palalimin ang kanyang mga halik. Ginalugad ng kanyang mga labi ang kaloob-looban ng aking bibig. It was wet, hot, and hard – torrid. We kissed – with tongue. With lots of tongue and it felt good. Really good.

Suddenly, ‘yung kanyang mga labi ay inilayo niya sa akin. Ngunit ang aming mga noo ay magkadikit pa rin. Kung iisipin ay konting galaw ko lang ay maglalapat na ulit ang aming mga labi.

“Hi.” He said as he looked deep into my eyes. Wow. Kung ganito siya bumati ng Hi, I wouldn’t mind him saying a lot of hi’s. Damn. Nagiging pervert na ako pagdating sa lalaking ito.

“Hi.” I replied at ginawaran siya ng isang ngiti. Halos di kami gumagalaw, para akong nahypnotized sa kanyang mga titig. I was about to kiss him again when we heard my stomach rumbled.

Pareho kaming natigilan. Siyempre – with the odds against me – siya pa talaga ang unang nakabawi at natawa. Kainis.

“I guess I need to feed you. Nakakalimutan kong hindi pala nakakabusog ang mga halik ko.”

****

“C’mon, Luke, alam mo namang hindi pa pwede.” Tutol ko nang mabuksan niya ang topic tungkol sa amin habang kumakain ako.

“I’m getting tired of this. Bakit ba hindi pa pwede? Wala naman tayong ginagawang masama. Bakit ba tayo nagtatago?” naiinis na tanong nito sa akin. Masasabi kong parang gusto na niya akong sakalin.

Mag-iisang buwan na simula ‘nung nangyari ang pag-uusap namin sa bahay and we decided na we’re an us. We’re together. Pero pinakiusapan ko muna siyang ilihim muna ang lahat. And as much as possible, ayoko munang may makakakita sa aming magkasama. Kaya naman ay para kaming mga teenagers na pinagbabawalan ng kanilang mga magulang na magkaroon ng relasyon kaya patago kami kung magkita.

Akala ko noong una’y okay lang sa kanya ang ganitong set-up. ‘Yung pupuntahan o hihintayin niya ako dito sa bahay pagkatapos ng shift ko o kaya naman ay dadayo kami sa ibang malls or anywhere kung saan hindi kami makikita ng mga friends ko – ang mga BAKA Girls.

Hindi ko alam kung bakit ayaw kong makita nila kami. Siguro dahil natatakot lang ako sa mga sasabihin nila. Pero wala naman silang kaalam-alam sa mga nangyari sa amin kaya hindi ko alam kung ano ba ang ikinatatakot ko? Maging ang sarili kong tanong ay wala akong maisagot. Bakit ba ang gulo-gulo ng isipan ko?

Siguro’y nakita niya sa mukha ko ang pagkalito at pag-aalangan kaya naman inunahan na niya ako. Lumapit siya sa akin, umupo sa gilid ko at hinarap niya ako. Hinawakan niya ang aking mga kamay habang tiningnan ko siya ng deritso sa kanyang mga mata.

“Alright then, I’ll give you two more weeks. Kailangan mo ng sabihin sa kanila ang lahat, okay?” and with that ginawaran niya ako ng isang mabilis na halik sa mga labi at nagpatuloy sa pagkain. Habang ako naman ay patuloy na nag-iisip.

Paano ko nga ba sasabihin sa mga Baka ang tungkol sa amin?

I Fell In Love with A Poser (Baka Girls #2) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon