Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 6

515K 8.2K 1.1K
                                    

***PRESENT TIME***

LEILA PEREZ

BIGLANG TUMULO ANG luha ko habang nakahiga rito sa kama. Punyeta ang aga-aga, nagda-drama ako.

Bumabalik na naman kasi sa isip ko si Levi. Ilang araw ang lumipas simula noong malaman ko kay Claire ang tungkol sa pagdating dito ng hayop na 'yon. Sinubukan kong kalimutan at balewalain, na umaktong normal, pero naiinis ako kasi hindi ko magawa.

These past few days, bigla-bigla ko na lang maaalala lahat ng pinagdaanan kong sakit at hirap simula noong iwanan ako ng lalaking 'yon. Akala ko tapos na ako sa phase na 'to dahil maraming taon na ang lumipas pero shit, may mga bagay pala talagang hindi kayang ayusin ng panahon.

Sa tuwing naaalala ko, nalulungkot pa rin ako. Lalo na kapag mag-isa na lang ako sa tinitirhan kong apartment. Hindi ko maiwasang hindi maalala. Matapang akong babae, pero sa tingin ko, sa oras na ipakwento sa 'kin ang nangyari sa amin ni Levi noon, maiiyak ako. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang naranasan ko simula noong iwan niya ako. Kulang na lang ay magpakamatay ako.

Nagliliwaliw na lang ako para maiwasan na ang pag-iisip. Ayoko nang ma-stress!

Ngayong araw nga, pupuntahan ko 'yong kaibigan kong tattoo artist—si Baron Medel. May tattoo shop siya sa isang mall sa Ortigas.

Bumangon na ako ng kama at naligo para makaalis kaagad.

Alas-diyes ng umaga nang makarating ako rito sa mall. Pumarada ako sa tapat. Kabubukas pa lang kaya hindi ako nahirapang maghanap ng mapagpa-parking-an. Dumaan ako saglit sa 24-hour na fast food restaurant para bumili ng pagkain, tapos dumeretso na ako sa shop ni Baron sa loob.

Hindi niya alam na dadalawin ko siya kaya for sure masu-surprise 'yon. Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagkikibuan. Galit sa 'kin 'yong animal na 'yon kasi binasted ko na naman siya.

Pagkarating ko naman sa shop niya, imbis na ma-surprise ko siya e ako pa itong kamuntik nang malaglagan ng panga. May kalampungan na naman siyang babae!

"HOY!"

Nataranta siya at naitulak agad 'yong babae na naka-kandong sa kanya. "Shit, Leila!"

I just rolled my eyes at him.

'Yong babae naman ay nataranta rin tapos binaba agad 'yong naka-angat na mini skirt. Kinuha niya 'yong bag niya sabay tumakbo na palabas nitong shop. Binunggo pa nga ako! Hindi man lang nag-excuse me!

Sinigawan ko nga. "Hoy miss, 'yong strap ng bra mo nalaglag!"

Napailing-iling ako pagkatapos at nagbalik na ng atensyon kay Baron. As usual, isang matapang na titig ang hello niya sa 'kin. Hinayaan ko na lang. Ganyan talaga 'yang hinayupak na 'yan. Galit sa mundo.

"O zipper mo o, bukas pa." Tinuro ko 'yong pantalon niya. "Isara mo nga 'yan. Kahit kailan talaga, ang laswa-laswa mo. Dito talaga sa shop, Baron?"

"Bakit kasi dere-deretso ka?" Magkasalubong ang mga kilay niya sa 'kin. "Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Bakit, hindi ka rin ba marunong mag-renta ng motel room? Dito ka pa talaga nakipag-chuchukchakan. Tsaka bakit kakatok pa ako? E ang linaw-linaw ng nakapaskil diyan sa pinto: O-P-E-N. Kung gusto mo pa lang kumatok muna ang mga tao e 'di sana ang nilagay mo riyan, 'knock before you enter'!"

Inirapan ko siya sabay deretso ko na sa pahabang mesa sa loob para ilagay ang mga dala ko. Nilabas ko 'tong binili kong pagkain galing sa paper bag.

Nagulat na lang naman ako nang bigla niya akong higitin sa siko para paharapin. "Ano bang problema mo?"

"Wala. E ikaw, anong problema mo at kinukunutan mo na naman ako ng noo? Kasalanan ko bang nahuli kita? Ang sungit mo. Pinuntahan na nga kita, may dala pa akong pagkain."

Fall AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon