Chapter 8

9.8K 235 7
                                    

Chapter 8

SAVANNAH’s POV

Hindi parin inaalis ang tingin sa lupa habang naglalakad. Parang gusto ko sampalin ang mukha ko. Ba’t ko hinayaan na magpadala sa emosyon ko sa harap niya? Ah baka kung anong isipin nang lalaking ito! Tahimik lang kami na naglalakad patungo sa isang maliit na restaurant dito sa loob ng amusement park dahil nagugutom na daw si Blake.

Nang makarating na kami doon ay doon kami sa indoor pumunta at umupo sa bakanteng mesa. Lumapit sa amin ang waiter para ibigay ang menu sa amin.

Tinuon ko ang tingin sa menu pero paminsan-minsan ay nagagawa ang tingin ko sa kanya. “Alam ko na mas gwapo pa ako ni Adonis pero kung patingin-tingin ka lang diyan at hindi pumipili nang kakainin mo baka isipin ko na iba ang gusto mo.” Biglang sabi niya sa akin without taking his eyes off in the menu.

Napahiya na binalik ko ang tingin sa menu. Kahit na napakayabang niya ay hindi ko maiwasan na mahiya! Napansin pala niya na tinignan ko siya!

Pero para takpan an pagkapahiya ko ay umismid ako. “As if naman may gusto pa akong iba kesa sa pagkain. Tsk! Nakapili na ako ng orderin 'no! at since ikaw rin naman ang nagyaya sa akin na kumain ay libre mo ito.”

Inalis niya ang tingin sa menu at tinatamad na bumaling sa akin. “As if I would let my date pay her own food.”

Ano daw, date?! “Anong date ka diyan? I don’t consider this a date! Kaya lang naman tayo dito para maghanap ng clue kung saan dinala iyong anak ko.”

“Pareho lang iyon.” Winawasiwas ang kamay na sabi niya. Kaasar talaga. Magsasalita pa sana ako kaso nga lang lumapit ang waiter para kunin ang order namin.

“May I take your order now, ma’am and sir?”

“Fresh orange juice and braised broccoli with orange and parmesan sa akin.” Sabi ko sa kanya.

“Mine’s crock pot garlic brown sugar chicken with rice.”

“How about drink sir?”

“Just water.” Nang umalis na ang waiter ay bumaling sa akin. “Iyon lang ang in-order mo?”

Humalukipkip muna ako bago magsalita. “It’s not like I could eat meat. Isa pa iyon lang ata ang masarap dito eh.”

“Oh really? Vegetarian ka?”

“Ay hindi. Carnivorous lang akong tao.” I said in sarcastic tone. Napatikwas ang kilay ko na hindi maipinta ang hitsura. “Huwag mo sabihin na hindi ka mahilig sa gulay?”

“Hindi masiyado.”

Hindi na lang ako nagkomento. Nang dumating na ang order namin ay tahimik lang kami na kumakain. Duh, para naman gusto ko makipag-usap sa lalaking ito na walang ginawa sa buhay kundi kamalasan. Hindi nga din mahilig sa gulay kaya MAJOR TURN OFF.

Malayo talaga sa expectation ko kung ano siya noon. Mabuti na lang hindi nagmana sa kanya si Devon at Dedra.

Kasalukuyan na kumakain kami nang tumunog ang cellphone niya kaya agad na sinagot iyon. “Yes, dad? Yep. Kasama ko siya ngayon, bakit? Oh okay, I’ll ask her about it.”

“Anong kailangan ng papa mo?” I ask him, obvious naman na ako iyong tinutukoy niya.

“Gusto lang niya itanong kung may dala ka bang picture nang anak mo.”

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon