My Tag 6

383K 6.7K 1.3K
                                    

My Tag 6

Sitti's POV

          "Ngayon pakiramdam ko na talaga ay mananalo na kami sa laban na 'to."

          Flashback ano ba?! Wag kang epal pwede?! Ayoko na nga maalala iyon eh!

          "Ikaw hahalik sa akin kapag kami nanalo ah? Iyon ang gusto kong premyo."

          Nakakainis! Sabing tumigil ka flashback eh! Nakakaasar ka naman!

          Hanggang ngayon hindi pa rin malunok ng medyo di kalakihan kong utak na hahalikan ko ang mayabang na iyon na nagkataong boyfriend  ko pala.

          Bakit ko siya hahalikan kapag nanalo sila?! Saka hello! Hindi nga ako marunong magkiss eh! Paano ko gagawin iyon?

          Saka bakit ako?! BAKIT?! Saka bakit kiss?!

          'Siguro nalaman ni yabang na wala kang pera ngayon, Sitti kaya iyong kiss na lang hiningi niya.'  Sagot ng boses sa utak ko.

          Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan...

          BAKIT KISS? BAKIT?!

          "Eastton University score again!"

          "KYAAAAAAAAAAAAAAAH!!! WE LOVE YOU PRINCE KAIZER!"

          Bigla akong napatakip sa tenga ko nang magsigawan 'yung mga babae sa pwesto namin dito sa bleachers.

          Tsk! Ang iingay nila! Parang naka-two points lang si yabang lakas na nila makatili!

          Saka hello! Para namang ngayon lang nila napanood si Kaizer maglaro ano! For sure lagi silang nanunuod sa mga laban ni Kaizer o kahit 'yung practice lang ng team sa gym.

          "Psst! Sitti! Tingin!"

          Nasa kalagitnaan ako nang pagmomonologue ko nang sikuhin ako bigla ni Patty.

          Napalingon ako kay Patty na nakanguso sa isang direksyon sa baba namin. Na para bang sinasabi niya sa akin na tumingin daw ako sa baba.

          Syemrpe, tumingin naman ako. At alam niyo ba kung anong nakita ko sa baba?

          Si Kaizer Buenavista lang naman, nakatingin sa direksyon ko, sabay ngumisi at kumindat...NA NAMAN!

          Anong reaksyon ko? Ayun! Bigla na lang tumibok ng malakas 'yung puso ko. Bigla pa nga akong napahawak sa tapat ng dibdib ko kasi akala ko biglang tatalon palabas ng katawan ko 'yung puso ko dahil sa bigla niyang pagkindat sa akin.

          Kanina pa siya ah! Bakit niya ba ako kinikindatan every time na nakaka-score siya?

          May secret message ba iyong pagkindat niya? Code ba iyon? Kung code, ano nga? Ano? Hindi nga ako marunong umintindi ng morse code eh! 'Yung kindat code pa kaya niya?

          'Eh baliw din pala ang isang 'yun eh!' Sa isip ko ulit.

          Kakasimula pa lang ng game nila—I mean patapos na pala 'yung  first half—pero ang laki na ng agwat ng score ng school namin sa kalaban naming school.

          Kalaban pala namin ngayon 'yung Dominica University. Ayon sa chismisan ng mga schoolmates ko na naka-upo sa likuran ko, sila dati 'yung last, last year district champion. 'Yung Eigaku kasi nanalo last year.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon