Previous Page of 4Next Page

He's Definitely a Superstar (One Shot)

spinner.gif

A/N: One Shot sequel of I'm His No. 1 Fan. Again, THIS IS A SEQUEL, so kung hindi nyo pa po nababasa yung I'm His No. 1 Fan, it's better kung mababasa nyo muna yun...

That's all... Thank you... :)

- Sarrah ♥

>>>♥<<<

HE'S DEFINITELY A SUPERSTAR (ONE SHOT)

written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta

Copyright ©

All Rights Reserved 2012

>>>♥<<<

Alam mo yung feeling na lahat ng galaw mo, binabantayan?

Kahit saan ka magpunta, may matang nakamatyag sa'yo.

Lahat ng taong kakausapin mo, aalamin kung sino.

Yun bang parang kulang na lang, pati utot mo sa isang buong araw, bilang na bilang.

Alam mo ba yung feeling na ganun?

May kilala kasi akong ganun ang sitwasyon eh at sigurado ako kilala nyo rin sya.

Well, who wouldn't know Ryan James Salvador anyway, right?

Yes. RJ Salvador, my boyfriend, which is now definitely a superstar.

***

5th year aniversary namin ngayon ni RJ kaya excited na ako. Bumangon na ako sa kama ko, naligo, at nagprepare ng sarili. May usapan kasi kami ngayon na pupunta kaming Manila Ocean Park.

Well, just an FYI, 5 years of being in a relationship with a superstar sucks --- well not really, but it's difficult.

For 5 years, nagkasya ako sa kakaunting time na binibigay sa'kin ni RJ. Ok lang naman kasi sa tuwing nagkikita kami, pinaparamdam naman nya sa'kin kung ga'no talaga nya ako kamahal.

What's difficult is the fact na, for 5 years, kapag nagdedate kami sa labas, lagi syang nag-didisguise ng look. Tapos kapag magkikita kami, dapat laging patago. Dapat walang ibang nakakaalam, although alam naman ng buong Pilipinas na may non-showbiz girlfriend sya. Sabi kasi nya, gusto nya raw maging private ang relationship namin as much as possible. Syempre iniintindi ko na lang, mahal ko eh and I can't imagine myself 50 years from now living without him.

Pero minsan, napapaisip rin ako, hanggang kelan kaya ako makakatagal sa ganitong sitwasyon? Pa'no kapag mag-asawa na kami? Ganito pa rin ba? Geez. I don't know. Basta ang alam ko lang, mahal ko sya.

I'm almost done sa pag-aayos ng sarili ko ng biglang tumunog yung doorbell ng condo unit ko. Oo nga pala, I haven't tell you yet. May condo na ako. Regalo nina Mommy at Daddy pagkagraduate ko ng college.

So there. Sa pag-aakalang si RJ na yung dumating, dali-dali kong tinungo ang pinto upang buksan ito even though nagsusuot pa ako ng hikaw. But to my dismay, ibang tao ang nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto.

"Newspaper po Ma'am..." sabay abot nito ng dyaryo sa akin.

"Ah ok. Thanks." At pagkatapos ay sinara ko na uli ang pinto.

Nilapag ko lang yung dyaryo sa ibabaw ng center table, pagkatapos ay bumalik na sa kwarto ko para tapusin ang pag-aayos. Pagkatapos kong mag-ayos and everything, naisipan kong tawagan na si RJ.

~The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.~

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (105)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended