Chapter 18

66.3K 1.1K 137
                                    

Chapter 18

Matapos dumaan sa opisina ay naisipan ko muna ang dumaan sa condominiun ni mama. Kung sinu-sino  siguro inuuwing lalaki ng bruha na yun doon. Dinudungisan niya ang condo! Hahaha. Anyways, nagpaalam na ko sa mga friendships ko at sumakay na sa aking kotse papunta sa condo. Aayain ko na lang mag-inuman si mama dun sa bar ni Ambrose Tan. Hindi naman malalaman ni Stan at wala din namang pake yun. Sige lang lumandi pa siya wala akong pakialam! Putris!

Pinaharurot ko na ang kotse ko at rumampa na patungo sa condo ni mama. Pagkarating ko roon ay naabutan ko si mama na busy sa pag tthreadmill ako naman ay naupo na lang at nagsindi ng sigarilyo.

"Anyare to you junakis kong gandalu?! Nakembot ka ata dito?" alam kong hindi normal sa isang ina ang ganitong pananalita pero anong magagawa ko, babaeng sinapian ng kabaklaan ang mudrabels ko. Hahaha.

"Gusto mong mag shopping at bar mamaya?" tanong ko sa kanya at humitit sa sigarilyo ko.

"San? Dun sa bar ng josawa mo? Oks lang! Libre din yun. Haha. Madami ba dung gwapo ha anak? Alam mo na mga type ko!" excited na sabi ni mama habang ako naman ay napairap na lang. Napaka kerengkeng talaga nitong nanay ko. Obvious na ba kung kanino ko nagmana? Alam ko naman mga type niya. Yung mga bagets na halos kaedad ko na. Haha. Last time na nagpakilala siya sakin ng boyfriend niya ay isang gym instructor!

"Hindi tayo dun. May bago akong kliyente kaso sa ibang bar nagttrabaho. Isama natin si Patrick este Patricia pala para hindi ka mabore habang kausap ko yung kliyente ko." sabi ko kay mama. Nagtaka naman ako ng nangunot ang noo ni mama at tumigil na sa ginagawa niya.

"May sakit ka ba anak? Ba't diretso ka atang magsalita? Hahaha." umiling na lang ako at tumayo para kumuha ng isang lata ng beer. Wala akong sakit no. Ay masakit puso ko! Tangina lang!

"Seryoso ha? Osige. Wait mo ang beauty ko para makarampa na tayo." kumendeng na si mama papuntang silid niya at ako naman ay napabuntong hininga na lang.

Bakit nga ba ko malungkot?! Dapat masaya na ko. Haler nakuha ko na lahat ng gusto ko simula pagkabata. Sobra pa nga! Ano ba 'tong inaarte ko?!! Kakalurkey ah!

***

After akong paghitayin ng pagkatagal-tagal ni mama ay nagpunta na kami sa isang sosyaling mall. Kaloka! Mas makapal pa lipstick sakin at shet mas maiksi pa yung mini skirt niya! Pano pag ganito nanay niyo?!! Di kayo mabaliw? Hahaha.

Nung una palakad-lakad lang kami ni mama hanggang sa madami na din kaming napamili. Naaalala ko noon mag mall lang kami para mag window shopping at uuwing tulo laway dun sa mga magagandang damit na hindi naman namin afford. Hay. Alam ko talaga kahit magkayod kabayo ako ay hindi kami yayaman ng bongga kaya yung mga mayayamang lalaki na lang ang pag-asa ko. Sakto naman nabiktima ko si Stanley. Hahaha.

"HALA! AMPUTANGNA BAKIT NANDITO SIYA?!!" napahinto naman ako sa paglalakad ng mabunggo ko si mama na humarap na sa akin at nakayuko na animo may pinagtataguan.

"Oh?! Anyare sayo mudra?! May pinagkaka-utangan ka ba na nandito?!! Bayad na lahat yun ah!" ano bang nangyayari sa nanay ko?!!

"Tumahimik ka nga! Kaloka! Ex jowawa ko anditey!" luminga linga ako sa paligid. Asan ba?!!

"Asan ba dito?!! Grabe ka naman! Ikaw pinagtataguan ng mga ex mo diba bakit ikaw ata ngayon ang nagtatago?" tanong ko kay mama na sumiksik na sa likod ko.

"Ang duling mo naman. Basta! Ex jowawa ko pa nung panahon ni Kopong-Kopong. Naku! Makasibat na muna! Kita na lang tayo sa bar. Text mo sakin lugar ha? Babush na!" bago pa ko makasagot sa kanya ay nakatakbo na siya kaya naman napakamot na lang ako sa ulo ko. Nagulat na lang ako ng tumapik sa akin.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon