Chapter 6

257K 4.2K 559
                                    

6.

Gumradweyt na ako’t lahat lahat wala pa din ni isang nanligaw sa akin. Kung hindi lang talaga ilang beses na sinabi sa akin ni Mommy na maganda ako at kung hindi ko lang nakikita araw araw sa salamin ang kagandahan ko, magdududa na talaga ako.

“Congratulations.”  Sabay halik sa pisngi ko.   

“Thank you.” Nginitian ko siya. Nasanay na ako talaga kay Luke  at isa pa dapat ata magpasalamat ako at may isa pang lalaki na lumalapit sa akin. At least hindi masasabing clueless ako sa mga lalaki kasi nga kahit papaano alam ko ang mood swings nitong si Luke.

“Eh di doon ka na mag aaral sa University namin?” Naglalakad na kami ngayon papuntang parking at nakaakbay siya sa akin. Hindi ko na din siya tinataboy. Nakakapagod lang at isa pa, dalawang taon na din simula nung dineclare niyang bestfriend niya ako. Kawawa naman kung hindi ko pa tanggapin ang friendship niya.

“Hmmmm..pag iisipan ko pa.” Pinagbukas niya ako ng pinto ng kotse. Umupo na ako sa passenger seat pero nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Nababadtrip na naman yan.

“Bakit mo pa pag iisipan!?” Sabi niya agad nung makaupo na siya sa driver’s seat. Sinasabi ko na nga ba.

“Andun ka kasi eh!” Ngumisi ako. Tiningnan niya ako ng masama.

“Ganun?” Tumaas ang kilay niya pero seryoso ang mukha niya at gusto ko nang matawa sa itsura niya. Hay Lukas, ang epic mo talaga.

“Ganun.”    I suppressed my laugh.

“Eh kung…” Hindi ko na siya pinatapos. Sa expression pa lang ng mukha niya, sa ngisi niya alam ko na ang sasabihin niya.

“Sus, Lucas, dalawang taon mo na yang threat sa akin, sa tingin mo madadala mo pa ako? Kung hahalikan mo ako, eh di halikan. Hanggang empty threat ka lang naman.” Alam ko naman kasi na hanggang threat lang siya at hindi niya gagawin yun. Tangerks lang ako dati na naniniwala na hahalikan talaga niya ako. Pero ngayon, hindi na niya ako madadala sa pananako----

Nanlaki ang mga mata ko when I felt his lips on my lips. Ni hindi ko napansin na lumapit siya sa akin. Bigla bigla na lang niya akong kinabig palapit sa kanya at biglang hinalikan. Hindi ako makagalaw, in fact, nararamdaman kong unti unting pumipikit ang mga mata ko.

Ni hindi ko siya naitulak kasi ang kamay ko nasa gilid ko lang at nakalimutan ko atang igalaw. Lahat ng senses ko nakafocus sa lips niya na nakalapat sa lips ko. Holy…holy..holy shit! Nakalimutan ko pa atang huminga.

Ang my head started screaming when he nibbled my lower lip.

Luke kissed me.

Nooooooo….

Luke is still kissing me!!

No!

Halikan Kita Dyan Eh! (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon