Special Chapter: Graye

433 15 13
                                    

"TITO C, can I ask something?"

"What is it Graye?"

"Paano niyo nakayanang ipagpalit ang maraming girls para sa iisang girl?"

"Haha! Graye, I wish I can answer you but . . . until now, I can't figure it out."

I frowned. Ang korny lang ni Tito C. Kung magiging ganyan lang din ako kakorny kapag nainlove, thanks but no thanks. Sumandal ako sa couch habang nanatiling nakatingin kay Tito C na kasalukuyang kumekembot, ang bakla! Kasi raw may date sila ni Tita Lil Saint kaya may paganyan-ganyan siya. Naaalibadbaran ako!

"Christian."

Pareho kaming nagkatinginan ni Tito C nang may marinig na tinig mula sa labas ng kwarto niya. Mabilis niya itong tinungo at tila ba namutla nang makita kung sino ang nasa labas . . . si Tito O.

Anak ng patong nangingitlog! Kung si Tito C eh namutla lang, ako naman kamuntik nang himatayin! Buti nalang at gwapo ako kaya madali akong nakapagtago sa ilalim ng couch. Tae! Paano na ito?

"O-oasis my man! Napadalaw ka sa kwarto ko—"

"Graye, out."

I swallowed real hard. Boset! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Kasalanan ito ni Tito C!

Ganito kasi iyon, isang araw may nakita akong isang magandang chiks sa may playground ng village namin, at itong Tito C ko na parang ewan kung makasulsol eh tinulak ako papunta sa chiks. Pagkatingin ko sa mukha eh . . . leshe mga pre! Ang ganda! Parang anghel na sumakay ng Angels Airline tapos dito sa lupa nag-emergency landing! Alam niyo iyon? Basta iyon!

"Graye . . . 1—"

"Oasis negative 4628 times square root of 9495?"

"Negative 450, 962.921—"

"O sige dyan ka magsimulang magbilang."

"Christian . . . "

"O-oo na! Graye labas na kasi!"

Eh so ayun nga, dahil gwapo ulit ako eh nilapitan ko iyong chiks na kasing edad ko lang yata? Tapos nginitian niya ako! Syempre ibang level na iyon! Nginitian niya ako kahit di pa ako nagpapakilala. Kaya ayun, sinunod ko ang payo noon ni Tito C.

A smile from a stranger means a kiss from you. Hinalikan ko ang chiks sa pisngi. Akala ko mas matutuwa siya pero . . . pero, aaahhh! Mababaliw na ako sa kakaisip kung paano na ito ngayon! Bakit ba kasi ang gwapo ko? Bakit ako nagmana sa tatay, lolo, at mga tito kong gwapo? Bakit?!

I pouted when I felt a hand in my feet slowly dragging me outside. Wala na akong nagawa pa kundi ang tumayo at harapin si Tito O. "Tito O . . . s-sorry. Hindi ko naman kasi alam na si Rara beybe pala iyon eh. Fortuitous event iyon Tito O! Maniwala ka!"

"Fortuitous event? Kanino mo natutuhan ang—"

"Present!" nakita ko si Tito C na nakataas ang mga kamay.

Napailing na lang si Tito O saka ginulo ang buhok, aish! Not my hair!

"Kiddo, I'm not here for that matter. Nandito ako para sa isang offer."

"Offer?" I wondered. Come to think of it, naririnig ko lang ang salitang iyan mula sa mga tito ko kapag—my jaw dropped. Tama! Naririnig ko lang ang salitang iyan kapag—

"I want you to be my successor." —kapag hinihingi nila ang kamay ng gugustuhin nilang pumalit sa pwesto nila.

B-but . . . wow! A-ako? Ang magiging PS 8th Generation Code Genius? Well, I maybe a jerk but at my age advance na akong mag-isip. Yes, my teacher said I'm a genius pero . . . kasi . . . kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tiningnan si Tito C. Nakatingin lang din siya sa akin habang nakangiti ng malungkot. "Tito C . . . " I called out to him.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon