The Heaven again?

519 9 10
                                    

since no comment naman ang mga readers... ituloy ko nalang tong story tapos tapusin ko na agad.. wahahahah!!

 WARNING: Medyo may kahalayan po ang nilalaman ng Chapter na ito. Pakiusap kung hindi po kayo sanay magbasa ng mga ganitong babasahin, wag nyo nalang po basahin ang chapter na ito. Salamat :)

=======================================

So after ng klase namin that afternoon, sumama na ako kay Dex pauwi tutal wala kami pasok sa CIVIL TECH so 2 hours early kami nakauwi,.

Ang maganda kasi sa aming school, hindi delikado lalo na pag ang isang estudyante ay kailangan pang tumawid para lang makasakay. Sa Gate palang ng school namin nandun na agad ang mga sasakyan, i mean yun na rin mismo ang terminal, so di na kailangan pang tumawid at mag abang ng sasakyan.

Dahil maaga pa naman (3:00pm), wala pang Jeep na nag aabang sa school gate, so we decided na mag tambay muna sandali sa waiting shed.. nandun din kasi ang ibang mga barkada ni Dex.

So naupo ako  malapit sa mga barkada niya habang nag kukwentuhan sila at nag bibiruan. Sa kabilang bahagi ng Shed, nakita ko si Konas. Naka smile. Syempre malandi nga ako that  time, super smile back naman daw ako.

Di ko talaga friend si Konas, nagkakataon lang talaga na sa tuwing papasok ako ng room, nakikita ko sya dahil magkasunod lang kami ng section. Sa twing magtatama ang aming mga paningin sa bintana, di ko maiwasang medyo mailang dahil masyadong malagkit  ang kanyang tingin. Napapailing nalang ako kasi medyo kinikilig din ang lola nyo wahahaha..

This time si Konas ay parang nag hihintay din ng Jeep at dahil wala pa ngang Jeep Sa gate ay malamang dito rin sa shed sya nagpapalipas ng oras. Which means, pwedi ko tong samantalahin hihi.. Di naman sa makati ako haha pero kinikilig ako pag may lalaking naka titig sa akin ng malagkit.. Feeling ko may gusto sila sa akin wahaha (assuming lang ang lagay hihi.)

So, may plan akong namumuo sa isipan ko.. hhmmm what if pag selosin ko kaya si Dex? *Evil Smile*..

Hahaha ready?..

" Dex? tutal may kausap ka naman dyan, pede bang puntahan ko lang friend ko sa kabilang shed?" medyo pa shy kong paalam kay Dex.

" Teka? bakit parang di ko alam na friend mo si Konas?"

" Di ko ba nasabi na  sya yung nanliligaw sa akin?" hihi.. tingnan ko lang reaksyon nya.

(ayan nah... nag sisinungaling ka na bakla!! ang karma!!)

Nawala ang sigla sa mukha ni Dex, at parang nanlilisik ang mata na tiningnan si Konas. Hahaha!! brilliant tlaga ang mind ko di ba? Alam kong epektib ang plano ko.

" Sige, kung yan ang gusto mo eh" maikli nyang sagot. Pero banaag sa mukha ang pagkainis at irita.

So ang lola nyo pinangatawanan ang kasinungalingan. Well, wala naman talagang ligawan eh..pero since nakapag sinungaling na ako once, aba'y ituloy tuloy na..

Lakad ako ng kaunti sabay upo sa tabi ni Konas.

" Hi!" bati ko na medyo nahihiya sa kagagahang ginagawa ko.

" Hi, mabuti humiwalay ka sa kanila?" takang tanong ni Konas.

" Wala lang, eh hindi ko naman masakyan topic nila eh.. bakit ayaw mo ko kausap?" paawa epek ang peg..

" Nope, di sa ganun, mukha kasing bangus ang itsura ni Dex nung umalis ka eh"

"Naku hayaan mo sya, ganun talaga mukha nya eh"

" Nakkatuwa ka naman"

" well, gusto talaga kita makusap eh, gusto kitang maging friend" pag amin ko tlaga sa kanya.

Catch me i'm Fallen (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon