Previous Page of 4Next Page

Teen Clash [Boys vs. Girls] (PUBLISHED)

Dedicated to
meyraleyy
spinner.gif

 

Yannie's POV

 

 

 

"Yes Yannie. I'm damn jealous. Happy?"

 

 

 

*dug dug* *dug dug* *dug dug*

 

 

 

A-ano raw? Nagseselos siya? Seryoso? Pero bakit? At bakit ganto rin tong heartbeat ko. Ayaw magtigil sa sobrang bilis ng tibok.. Parang sasabak sa olympics.

 

 

Nakatitig lang ako sa kanya nun at ganun lang din siya. Kaya lang parang na-a-awkwardan ako bigla. What's wrong with me?

 

 

 

"Yannie --- "

 

 

"Hoy Yannie at Xander. Andyan lang pala kayo. Tara na kaya sa loob. Magkantahan na lang tayo." biglang sulpot ni Josh.

 

 

 

Inakbayan ako ni Josh, "Oh Yannie. May sakit ka ba? Bakit namumula ka?" ako? Namumula?

 

 

 

"H-ha? W-wala kaya. Tara na lang sa loob." sabi ko kay Josh at tinanggal na ang pagkakaakbay niya sabay pasok sa loob.

 

 

 

Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko agad si Sab na umiinom ng kung ano man yun. Inagaw ko agad yung inumin niya at ininom yun. Para kasing bigla akong nainitan.

 

 

 

"O-oy! Ano ba?! Inumin ko yan e!" reklamo nya sabay pout. "Teka Yannie. Bakit namumula ka? May sakit ka ba?" tanong pa niya.

 

 

"Psh. Wala nga kasi akong sakit. Para kang si Josh." at inirapan ko siya.

 

 

 

Biglang dumating naman si Josh at tumabi kay Sab, "Yo! I heard my name."

 

 

"Oh tapos?" tanong ni Sab.

 

 

"Oy Sab. Wag ka munang makipag-away sa akin ha. Nagcecelebrate tayo."

 

 

"Fine! Hangga't kaya kong di ka barahin, di kita babarahin." ginulo naman ni Josh buhok ni Sab. "Madali ka naman palang kausap e."

 

 

"Pero maiba nga tayo, bakit ka ba namumula Yannie? Sigurado kang okay ka lang?" ang kulit naman ni Sab. >.<

 

 

"Sabi ko sa'yo namumula ka e. Teka. Baka nagblablush ka lang. Yiii." at tinusok tusok pa ni Josh tagiliran ko.

 

 

"Blush? Ano yun?" pagmamaang maangan ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Josh.

 

 

"Sab." tawag niya.

 

 

"Oh?"

 

 

"Kung araw-araw ko lang makikita yang pagmumukha mo --- "

 

 

 

Pinutol naman ni Sab sasabihin niya, "Ano?! Maiirita ka? Maiinis? Magagalit? Mabwibwisit? Ay nako Josh! The feeling is mutual kung ganun."

 

 

Nagkamot ng ulo si Josh. "Try mo kayang patapusin muna ko sa sasabihin ko?!" medyo inis na sabi niya. Nagpeace sign lang si Sab.

 

 

Umubo ubo naman si Josh. Yung parang naghahanda sa sasabihin. Umayos na siya ng upo at humarap ulit kay Sab.

 

 

"Sabrina Fortalejo. Alam mo ba.. Kung araw-araw kong makikita yang pagmumukha mo..

 

 

 

 

 

 

 

 

Wala nang malungkot na araw pa ang darating sa buhay ko." sabi niya sabay ngiti kay Sab.

 

 

 

Si Sab? Ayun. Tulala. Nashock siguro. Hahaha. Paano naman kasi bigla bigla na lang babanat tong si Josh.

 

 

 

"Oy Yannie. Tingnan mo si Sab. Ayan. Ayan ang tinatawag na nagblublush. Ngayon alam mo na." sabay ngisi niya.

 

 

 

Nagsalubong naman ang kilay ni Sab, "BAKULAW KA! Sino nagsabing nagblush ako? HAHAHAHAHA! Pataw ka! ASA KA! BAHALA KA NGA DYAN!" sigaw ni Sab sa kanya sabay tayo at inagaw niya ang mic kay Ken at kumanta. Tawa naman ng tawa si Josh sa tabi ko.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (1236)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

Chapter 34 - Blush

Cast

Park Hyo Jinas Zoe Davis
Park Tae Junas Ice Scott
Ryu Hye Juas Yannie Seung
Park Ji Hoas Xander Evans
Ban Nam Gyuas Sabrina Fortalejo
Kim Min Junas Josh Alonzo
Park Ji Hyunas Ayumi Kahn
Park Hyung Seokas Ken Yu

Who's Reading

Recommended