MY BEAUTIFUL STRANGER ♥ (one-shot)

3.2K 87 33
                                    

Proyekto ko to sa Filipino :)

Maraming salamat sa mga magbabasa at mag-iiwan ng comment ^__^

--------------------------

Naglalakad lang ako pauwi galing sa eskwela ng makasalubong ko sya..

.

"3 days lang naman ah? Pumayag ka na kasi!" sabi ng babaeng napulot ko sa kalsada

"Maski 1 day or 2 days pa yan, HINDI PWEDE!" sagot ko.

Kanina pa kasi sya nangungulit kung pwede ba daw siya makituloy sa bahay namin. Like Seriously? She's a stranger and not just that, SHE'S A GIRL. 99% ng population namin sa bahay, puro lalake. Nanay ko lang ang hindi. Tsaka wala nang bakanteng kwarto samin. Alangan naman na magtabi kami?

"Sige na! Kahit naman anong gusto mo gagawin ko e. Pumayag ka na kasi!"

"Kahit anong gusto ko? Alam mo ba kung ano sinasabi mo? At sa akin na lalaki mo pa tlaga isinuggest yan ah?"

"Sige na kasi! Alam ko naman na manyak ka e. Manyakin mo nalang ako." At nakangiti pa talaga siya. Pokpok ba to?

"Mas lalong hindi pwede. HINDI TALAGA PWEDE." and that settles all. Kahit pa anong sabihin nya. Hindi talaga ako papayag.

"Kahit sa kalye ako matulog? Wala kang pakialam?" syempre wala talaga akong pakialam. Kaano-ano ko ba sya? Ni hindi ko nga sya kilala.

"Wala akong pakialam."

"Kahit bayaran kita ng sampung milyon?" Wala nga siyang bahay na matuluyan tas bibigyan nya pa ako ng sampung milyon? Ano to, joke?

"Kahit ano pa ialok mo sakin, hindi talaga ako papayag."

"EWAN KO SAYO! BAHALA KA NGA DYAN!" at nag-walk out na po sya mga kapatid. Sabi ko na nga ba nantitrip lang to. Tingnan mo, sumuko agad.

Uuwi nalang siguro ako. Wala na rin naman akong gagawin tsaka pagod na din ako. Mamayang gabi nalang ako magdodota pagkaiglip ko para may energy!

Pero hindi pa man ako nakalalayo sa paglalakad ay biglang sumigaw yung babae kanina. "HUUUUUUUUUUUUUY!"

"Bakit hindi mo ko sinundan?" tanong nya

"At bakit naman kita susundan?"

"Kasi nag-walk out ako." BOOM!

May tililing ba sa utak tong babaeng to? Kelan pa napatupad ang batas na "DAPAT SUNDAN ANG MGA TAONG NAGWO-WALK OUT?" E yung teacher nga namin hinahayaan lang namin mag-walk out kahit alam naming lahat na minus 10 kami. E sya pa kaya na hindi ko kakilala?

"Oo nga e, nag walk-out ka. Sana hindi ka na lang bumalik!" iritadong sabi ko. Gusto ko na talagang matulog -__-

"Ang sama naman neto, May lalake ba na makakatiis sa kagandahan kong to?" sabay pacute pa sya.

Okay sige maganda sya, seksi at cute. E ano naman ngayon? Yayaman ba ako pag pinatira ko siya sa amin? Di naman di ba?

"Oo, ako. Kahit kailan hindi ako matutukso sa kahit anong alindog o kagandahang meron ka. Sa iba ka nalang makiusap, WAG SAKIN. Mahirap lang kami. Wala akong mapapalamon sayo"

"Mapapalamon talaga? Di ba pwedeng mapapakain muna?" sarkastiko nyang tanong. Mukha ba akong nakikipaglokohan sa kanya?

"3 days lang naman ako e. Tsaka magtatrabaho naman ako habang nasa inyo. Kaya sige na, pumayag ka na. Please?" Binigyan nya ako ng isang napaka-cute na itsura na kahit sinong alagad ng mga alagad ay hindi makakatanggi. Bwiset! Kakasabi ko lang na hindi ako tatablan eh =__=

MY BEAUTIFUL STRANGER ♥ (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon