Combo Breaker Extended

65 1 3
                                    

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sagot niya. Pero mas angat yung saya. Siguro masyado lang akong optimistic. Porket meron, ako na agad? Arrrggghhhhh. I don't know what to doooo.

“Ahh. Okay. Meron pala.”

“Sige. Aalis na ako.” Sabi niya.

Ganun lang yun? Pero kapag tinuloy ko pa ito, nakakabastos na ata. Hindi naman kami ganun kaclose eh. Ano nga ba ang gagawin ko? Do I have other options?

Well...

In the end, wala na akong nasabi at nakaalis na siya. Ano ba ang nararamdaman ko ngayon? Masaya? Malungkot? Halo-halo eh. Hindi ko maintindihan ko at maipaliwanag. Pero at least, may nagawa ako ngayon, diba?

“Hm. That’s no good.” Bigla na lang akong may narinig sa  likod ng isang malaking puno sa tabi ko. Oo alam kong hindi puno yun kasi hindi naman talaga nagsasalita ang mga puno. At isa pa, KILALA KO ANG BOSES NA YUN!

“Anong ginagawa mo diyan Jp?” tanong ko sa kanya.

“Ah. Ako? Si Jp? Sino yun?”

“Pwede ba Jp, medyo badtrip ako ngayon...”

“Okay okay.” At nagpakita na siya sa akin. “Lumiliit ang chance mo sa kanya habang mas lalong tumatagal.”

“Ha? Anong pinagsasabi mo? Chance? Tumigil ka nga Jp, hindi ako nanliligaw or what.”

“Pero umaasa ka na ikaw yung taong gusto niya diba?”

“....” Yeah. He hit the spot.

“At iniisip mo na dahil, kaklase mo naman siya nung high school, malaki yung chance mo, diba?”

“Whatever.”

“Bakit kaya ang suplado niya sa’yo? Kapag kasama ko naman siya maglaro, hindi naman siya ganun kasungit. May.. nakaraan ba kayo?”

“Nakaraan?! Wala no! Diba nga sabi ko dati, hindi ko pa siya nakakausap ng maayos.”

“Pero ngayon nakakausap mo na siya. How does it feel?”

Tumahimik ako ng sandali. Hindi ko naman kailangan magsinungaling sa harapan ni Jp diba?

“M-masaya.” Sabi ko nang nakangiti sa kanya.

Hindi ko magets yung mukha ni Jp. Bigla din atang nagbago. Nakangiti pa din siya pero may kahalong ibang emosyon. Ayaw niya lang ipakita sa akin...TEKA. KELAN PA KO NAGING MIND READER? What is this? DO I HAVE THIS POWER SLEEPING WITHIN ME? Nah...

“Good. “ ngumiti siya. “Sige. Huwag ka magalala, tutulungan kita.”

“Tutulungan? Tinutulungan mo na nga ako diba?”

“Hindi, iba ‘to. Sige. Una na ako. Malapit ka na lang naman diba? Bye!” naglakad agad siya nang mabilis palayo sa akin.

“Bye...” yan lang ang nasabi ko.

Iniisip kong umamin na lang kay Earl na may gusto ako sa kanya. Oo. May gusto ako sa kanya. Inaamin ko na po. Pero ayokong ako yung umamin o magsabi. Kaso... hihintayin ko siyang magustuhan din niya ako? Parang hindi naman katanggap-tanggap un diba? Hindi ko alam kung may chance ako at hindi naman ako aggressive type na babae na magpaparamdam ng sobra sobra para mapansin ng gusto kong lalaki.

Andaya no? Kapag ang lalake nagkagusto, kaya nilang sabihin yun kasi sila yung manliligaw. Kahit na yung iba torpe, okay lang yun kasi pwede naman silang asarin tapos malay naten madala na din yung babaeng gusto niya. Normal na kasi itong nangyayari lalo na sa high school kung saan nagbibinata at nagdadalaga tayo.

Me, You and Everyone I KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon