{ THIRTEEN }

2.5K 68 15
                                    

TWT's NOTE: I'm alive! Thanks for the previous votes and reads! Hope I can update once a week guys. Fingers crossed xx Pagod kasi lagi ako sa trabaho kaya pag uwi ko tulog na lang aatupagin ko, during my rest days naman, rest talaga ang ginagawa ko, minsan lumalandi HAHA. UK time kasi gamit ko, ayun HAHA. LOL. Dito muna ako sa MSB2 mag focus para matapos ko na itey. Mahaba-haba kasi 'to apart from My Super Boyfriend 1. Lels. O sige na po, basa na kayo.

PS. I hope you can vote and comment, it makes me smile lol. Comment all you want <3 

PPS. This is a fill chapter kaya medyo maiksi lang. Which means parang small chappie na magko-connect sa story events. Char lang!

PPPS. Like my epal page at Toneewritestragedies Wattpad or add me, just simply search Tonee Kim~

//////

My Super Boyfriend 2: Keeping Up With You

Written by toneewritestragedies

{ THIRTEEN } Getting Over

---

Kayleigh.

Mas pinili na lang namin mag-aral ni Mikko sa CBTL few blocks away sa Asters, tahimik at saka hindi rin ako maba-bash ng mga tao. Keber ba? Haay, di ko rin alam kung bakit nag-flop ako kanina sa klase. Alam ko naman kasi sa sarili ko na palaban ako at matapang ako pero bakit tumiklop ako? Nakakaloka talaga!

Well siguro guilty din ako dahil totoo naman ang mga sinabi nila tungkol sa akin. I am a cheater! Pero kahit naman ganoon, I can tell to myself na hindi ko rin naman niloko si Akachan. In the first place, hindi naman talaga kami. These were all for a project that he says, ‘di ba? So hindi ko talaga siya niloko! Sige, sabihin na natin na I’m giving them the benefit of the doubt, pero wala naman silang karapatang pagsalitaan ako ng ganoon ng hindi nila alam ang totoo. I was saddened and hurt at that part.

“Hey, okay ka lang ba talaga, Kayle? ‘Wag na natin kasi ipilit itong classes for today. Ako na lang bahala mag-adjust sa syllabus.” Sabi ni Mikko sabay tanggal ng eyeglasses niya. Ugh, ang pogi niya talaga. Sana siya na lang e nang hindi na ako nahihirapan ng ganito.

“S-sorry!” na-taken aback ako sa sinabi niya. Ilang beses na ba ako napapahiya sa taong ‘to? “Sorry, sorry, wala ako sa sarili. Sige lang, continue natin. Gusto kong magpaka-busy ngayon. I need my mind to be preoccupied.”

Nginitian niya ako at humawak sa kamay ko na nakapatong sa table. “Then I will preoccupy your mind.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, more of gusto nang lumabas sa sobrang pagkagulantang?! Kung ganito lang ng ganito si Mikko Shadows e malamang sa oo mabilis akong makakapag-move on. Juskoday, alam ko naman airconditioned ang coffee shop na ‘to pero parang pakiramdam ko tagaktak na ang pawis ko sa nerbyos sa mga sinasabi niya. I’m going to have palpitations like hell!

“H-ha?” ayun na lang ang nasabi ko sa sobrang speechless.

Sinara niya ang mga textbooks at notebooks at saka nilagay sa bag niya. ‘Yung calculator naman sinauli niya sa akin at itinuro niya ang bag ko which means ay magligpit na ako ng mga gamit ko dahil aalis kami. Teka, saan na naman kaya kami pupunta ng lalaking ‘to?! Puro na lang kami gala at landi! Kulang na lang maging The Adventures of Kayleigh and Mikko ang title ng story na ‘to e! Kaloka!

My Super Boyfriend 2 -- Keeping Up with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon