Will it be me?

123 7 7
                                    

August 15, 2011.

Ako si Andrew. Ako na siguro ang pinaka torpeng lalaki sa balat ng lupa. Paano ba naman kasi, sa tuwing may nagugustuhan akong babae, hindi ko agad masabi. Kaya nauunuhan ako ng iba. Parang ngayon lang. Ilang months kami naging friends ni Allyssa pero walang nangyari. Putcha mga bergs. Lahat binigay ko. Pero hindi niya nakita yung feelings ko para sa kanya. Hirap talaga pag torpe e!

Naglalakad ako sa park ngayon. Nag-iisip isip. Nanghihinayang. Nagagalit. Nanlulumo. Nagugutom. Hindi pa kasi ako gaanong kumakain simula nung nabalitaan kong may boyfriend na si Ally. Mga bergs alam ko wala akong karapatang magalit. Kasi ano ba naman ang kagagalitan ko? E hindi naman naging kami? Pero tagos tagusan. Kahit hindi naman naging kayo, kung alam mong minahal mo yung tao diba.

Bumili na lang ako ng footlong pati Buko Shake. Tangina papakataba ako dito. Gusto niyo pa nga lahat ng pagkain dito sa park, bilin ko na e. Pakasalan ko pa. Kung pwede lang ganun. Pero hindi e. Either way, pwede man o hindi. Nagugutom ako kaya kakain ako ng kahit anong gusto ko.

"Huhuhu *hik* huhu *hik* gago ka kasi e! Bakit ikaw pa!"

Ay puta. Astigin 'to ha. Ang lakas ng boses. Parang siya lang nag iisang tao dito sa park. Hirap kumain ng maayos kapag may maingay e!

"Promise ko sa sarili ko, mag momove on na ako e. Pero bakit ganun, bakit hindi ko kaya. *hik* huhu *hik*"

Daig ko pa babaeng nag-PPMS dito kaya pwede ba, tumahimik ang dapat tumahimik. Walang magandang maidudulot ang pag-iyak mo. Hindi huhupa ang baha sa ibang lungsod kung iiyak ka dyan. Hindi yayaman ang Pilipinas at mapapasama sa First World Countries kung iiyak ka dyan. Hindi tutubuan ng buhok ang panot na ulo ni Noynoy kung iiyak ka dyan. AT MAS LALONG HINDI AKO MAKAKAKAIN KUNG IIYAK KA DYAN. Punyemas.

"Ayoko na talaga. Hindi ko na kaya. *hik* Mahal na mahal kita. *hik*"

Hindi ko na din kaya. Hindi ko na kaya ang ingay mo. Tumayo na ako at liningon yung babae. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita yung mukha niya.

Onti onti na kong lumapit. Pakiramdam ko maganda 'tong babae, kahit hindi ko makita yung mukha niya.

"Hi miss. Gusto mo ng footlong?" Sabi ko. Ayoko talagang bigyan siya ng footlong ko. TAKE NOTE: AYOKO. Kasi gutom na gutom ako e. Kailangan lang ng conversation starter. So sana, maghindi siya.

Nilingon niya ako ng saglit. "I'm not hungry." Tapos tumalikod na ulit.

Wow. Taray. Siya na nga inaalok. Tinitigan ko lang yung babae. Nakatitig naman siya dun sa dagat. Nung nangawit na ako kakatayo, umupo na ako sa tabi niya. Mahaba naman kasi yung inuupuan niya, parang boundary nung park and nung dagat. Manila Bay kumbaga. lol

Since hindi naman niya ako kinakausap, kain lang ako ng kain dito.

"What do you need?" Sabi nung babae.

"Wala. Narinig kasi kitang nagdradrama kanina dito. Dapat papatahimikin kita pero nahihiya naman ako kaya tinabihan na lang kita. See, it worked. Tahimik mo na e."

"Ganun ba kalakas yung mga sinasabi ko kanina para marinig mo?"

"Oo. Sa tingin mo pupuntahan kita kung hindi?"

"..." Tumingin siya sa akin tapos nagsmile. "Gago ka kasi e!" tapos hinampas niya ako sa braso.

"Hala anong gago? Bakit ako?" napatingin din ako sa kanya. "Teka! Kilala kita ha!"

Si Kiana, ex ni Marco, kaibigan ko. Mabait 'to. Kaso hindi naman kami close kasi sa tuwing nagkikita sila ni Marco, hindi sila nagyayaya.

"Alam ko. Kilala din kita. Kaya nga iniiwasan kong tumingin sayo kanina pa e. Kaya nga one side lang ng mukha ko pinapakita ko sayo. Tanga."

Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon